2 estudyante maghahati na sa isang DepEd module simula sa Disyembre

Imahe mula sa DepEd-Facebook
  • Paghahatian na ng dalawang estudyante ang isang module ng DepEd simula sa second quarter
  • Kailangang ibalik ang modules at idi-disinfect muna ito bago muling ipamigay
  • Ito ay upang mapagkasya umano ang kasalukuyang budget ng DepEd para sa modules

Simula sa second quarter ng kasalukuyang school year, maghahati na ang dalawang estudyante ng mga pampublikong paaaralan sa isang module ng DepEd; ito ang ibinahagi ni Senador Pia Cayetano.

Sa ginanap na budget deliberation kung saan si Cayetano ang sponsor ng budget ng DepEd para sa susunod na taon, sinabi ng senador na mula sa kasalukuyang ratio na 1:1 ay magiging 1:2 na ito simula sa Disyembre.

Imahe mula sa DepEd

“For the first quarter the ratio is 1:1 but in the succeeding quarters it would be 1:2. What will happen is the modules will be returned, they will be disinfected and then they will be shared with the next student,” paliwanag ng mambabatas.

Ang first quarter ay magtatapos nitong Nobyembre 28 habang magsisimula naman ang second quarter sa Disyembre 1.

“They are making the best use of the available funding that they have and what it will fit is the 1:2 ratio,” ayon pa sa senadora.

Nais namang malaman ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan kung magiging sapat na ang P16.6-B na alokasyon para sa pag-iimprenta at pamamahagi ng modules upang ma-sustain ang 1:2 ratio para sa natitirang quarter ng kasalukuyang school year na magtatapos sa Hunyo 2021.

Imahe mula sa DepEd Facebook

“With the current budget, they can sustain 1:2 and if there are bidders that would come in at better prices then they will be able to improve that,” paliwanag ni Cayetano.

Kasalukuyang ipinatutupad ang online modular learning sa mga pampublikong eskuwelahan dahil sa banta ng umiiral na COVID-19 pandemic.

Minsan nang naurong ang pagbubukas ng mga public schools na nakatakda sana noong Agosto subalit ginawang Oktubre dahil na rin sa panganib na dala ng virus sa mga mag-aaral.

Source :

GMA News, Remate

Loading…