2 pagyanig naramdaman sa Mayon Volcano; Alert Level 1 nanatiling nakataas

File Photo ng Mayon mula sa Global Times
  • Nakapagtala ng 2 volcanic earthquake sa bulkang Mayon  ang Phivolcs
  • Nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 1 sa paligid ng bulkan
  • Bagama’t wala pang inaasahang ‘magmatic eruption’ sa mga darating na araw, nagpapaalala ang Phivolcs na nasa ‘abnormal na kondisyon’ pa rin ang Mayon

Dalawang pagyanig o volcanic earthquake ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa nakalipas na 24 oras, ayon sa pinakahuling bulletin na inilabas ng ahensiya nitong Huwebes, Nobyembre 5.

Naobserbahan din umano ang ‘white steam-laden plumes’ na dumadaloy pababa mula sa crater ng bulkan bago ito natangay ng hangin papuntang silangan.

Pagsabog ng Mayon, 2018| Imahe mula sa The Irish Catholic

Nakita rin sa electronic tilt data ng Phivolcs ang ‘non-steady inflation’ sa huling bahagi ng 2019 hanggang kalagitnaan ng 2020 na sinundan ng ‘short-term deflation’ ng middle slopes ito simula pa noong July 2020.

“Overall, the Mayon edifice is still inflated with respect to baseline parameters,” pahayag ng ahensiya.

Bagama’t wala pang inaasahang ‘magmatic eruption’ sa mga darating na araw, ipinaalala ng Philvolcs na nananatiling na sa Alert Level 1 ang Mayon Volcano, na ang ibig sabihin ay nasa ‘abnormal’ na kondisyon pa rin ito.

“It is strongly advised that the public refrain from entering the 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) due to the perennial life-threatening dangers of rockfalls, landslides/avalanches at the middle to upper slope, sudden ash puffs and steam-driven or phreatic eruptions from the summit,” paalala ng Phivolcs.

“Active stream/river channels and those identified as perennially lahar-prone areas on all sectors of the volcano should also be avoided especially during extreme weather conditions when there is heavy and prolonged rainfall. DOST-PHIVOLCS maintains its close monitoring of Mayon Volcano and any new development will be communicated to all concerned stakeholders,” ayon pa rito.

Imahe mula sa The Business Mirror

Ang Mayon Volcano ay napaliligiran ng mga bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Malilipot, Santo Domingo at mga lungsod ng Ligao, Tabaco at Legazpi na pawing dinaanan ng Bagyong Rolly.

Isa sa mga naging dahilan ng matinding pamiminsala ng bagyo lalo na sa bayan ng Guinobatan at Daraga ay ang pagragasa umano ng lahar mula sa Bulkang Mayon na sumira sa maraming kabahayan at kabuhayan ng mga residente doon.

Sa ngayon ay humihingi na ng saklolo mula sa national government ang probinsiya ng Albay upang tuluyang makabangon mula sa magkasunod na pananalasa ng bagyong Rolly at Quinta, na mas pinalala pa ng umiiral na krisis sa COVID-19 pandemic.

Huling sumabog ang Bulkang Mayon noong Enero 2018 kung kailan umabot ito sa Alert Level 4.

Loading…