3-layer cake na gawa sa kanin, birthday surprise ng magkakapatid sa nanay

Image by Twixy Hershey via Facebook
  • Birthday celebrant na nanay, sinurpresa ng mga anak ng cake na gawa sa kanin
  • Sabi ni FB user Twixy Hershey, maaari rin itong i-try ng mga magbe-birthday na walang budget
  • Pero bigatin pala ang mga regalong natanggap ng nanay mula sa mga anak

Sa panahon ngayon na mahirap ang kumita ng kuwarta lalo na at may pandemya at mga nakaraang pagbaha, maigi ang masinop sa paggasto at maging creative nang sa gayon ay hindi maubusan ng pera at magutom.

Image by Twixy Hershey via Facebook

Malaking halaga ang natipid ng isang mag-anak kamakailan makaraang sa halip na mamahaling cake ay cake na gawa sa kanin ang inihanda ng kanilang ate para sa kaarawan ng kanilang nanay. Ang cake, three layers pa!

Pagbabahagi ni Twixy Hershey, “Share ko lang po ang cake ng nanay namin, hindi nakapag-bake si ate namin ng cake kaya ‘eto nagawa.”

Pagpapatuloy nito, “Kaya ayan 3 layer cake sobrang laking tipid ang 3 layer cake nagkakahalaga ng 2 thousand pataas. Pinakamababa na ‘ata ang 2 thou. Ang laking matitipid mo, may 3 layer cake ka na, may kanin ka pa. Walang masasayang, nakatipid ka pa.”

Kasama ng post ang larawan kung saan makikita ang cake at sa tabi nito ay ang masarap na putahe. Ito ay bahagi ng kanilang pinagsaluhan para sa selebrasyon nang araw na iyon.

“Ayan po ang cake ni Nanay, na-blow n’ya. Wala po s’yang ibang cake,” ani pa nito.

Saad pa ni Twixy, maaari rin itong isagawa ng mga magbe-birthday na walang budget. “Sa mga magbibirthday po jan at wala pong budget, try n’yo po eto.”

Image by Twixy Hershey via Facebook

Sa isa pang post ay pinasalamatan niya ang kanilang nanay sa pagiging mapagmahal, matulungin at mapagbigay sa kanyang mga anak. Palagi umano nitong iniisip ang sitwasyon ng mga anak bago ang pansariling interes.

“Dahil sa inyo Nanay, sa pagmamahal at pangaral n’yo sa amin, namana namin ‘yon Nay sa’yo. Mahal na mahal ka namin Nanay. Wala akong ibang hiling, dasal na sana lagi kayong healthy nila tatay.”

Gawa man sa kanin ang cake ng nanay na birthday celebrant, bongga naman ang natanggap niyang regalo mula sa mga anak. Panoorin ang video:

Loading…