6-buwang pinaghirapan, laman ng balikbayan box halos ubos na nang makarating sa Pinas

Image by Pinkypie S Montina via Facebook
  • Laman ng balikbayan box ng isang OFW, halos naubos nang makarating sa Pinas
  • Anang OFW, anim na buwan ang ginugol niya para maipon ‘yun at mabili
  • Nagsampa na siya ng reklamo kontra sa courier company

Marami sa ating mga kababayan ang pinipiling mangibang-bansa para makapagbigay ng mas maayos na buhay para sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas o kahit papaano’y maipadama ang mas maalwang buhay. Pero paano kung ang regalong pinaghirapan sa loob ng ilang buwan ay halos ubos na nang makarating sa pinadalhan.

Image by Pinkypie S Montina via Facebook

Ganito ang idinaraing ng overseas worker na si Pinkypie Montina makaraang ang padala niya para sa kanyang mga kababayan ay halos naubos nang makarating na rito sa Pilipinas.

Aniya, “I spent 6 months para maipon ‘yun at mabili, take me 15 minutes to walk from the main road to my house to buy all that stuff. It take me two days to pack my balikbayan box, my hard work and pain.”

Saad niya, naglalaman ang box ng maraming groserya, pagkain, damit at iba pa para sa kaniyang mga anak at kapamilya sa bansa. Sa katunayan, nagpakita pa siya ng larawan ng mga items bago niya inimpake at napakarami nga nito. Kasama rin sa post niya ang laman ng box na dumating na kakaunti na lamang ang laman.

Naghain na siya ng reklamo kontra sa courier service. “I ask for claim not because I want my money back, I ask claim because I work hard for it.”

Pahayag pa ni Pinkypie, hindi mabayaran ng pera ang mga sakripisyo niya para sa mga padala at ayaw umano niyang danasin ng iba pa nating kababayang OFW ang nangyari sa kanya.

Image by Pinkypie S Montina via Facebook

Kagyat na nag-trending ang post ng OFW na nakaabot na sa higit 460 reaksyon at nasa 1,600 pagbabahagi. May mga nagbahagi rin ng kaparehong karanasan.

Ani ng isa, “Nangyari din sa akin ‘to kabayan, unang beses wasak ang box pero ‘di ko na maalala kung may nawala ba sa dami ng nilagay ko. Pangalawang box, maliit lang sana pero alam ko secure, ang nangyari, wasak ‘yung ceramic bowl ko para bang galit ang nag-deliver.

“Nag-complain ako. Ni-refund nila kalahati lang ng box amount, hindi ang laman. Kaya ‘di na ako umulit pa. Pero nakakawala kasi ng respeto kagagawan ng mga nagde-deliver sa Pilipinas.”

Image by Pinkypie S Montina via Facebook
Source :

Facebook

Loading…