ABS-CBN hinahanap ng madlang pipol sa gitna ng super typhoon Rolly

Image by Ina Reformina via Twitter
  • ABS-CBN hinahanap ng madlang pipol sa gitna ng ST Rolly, nag-trending pa sa Twitter
  • Malawak kasi umano ang abot ng ABS-CBN Regional Network
  • Matatandaang kasama sa naisara ang lahat ng regional network ng ABS-CBN makaraang hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang TV station

Hinahanap ng maraming kababayan ang ABS-CBN sa gitna ng Super Typhoon Rolly. Patunay dito ang pagte-trending ng pangalan ng Kapamilya network sa social media website na Twitter kamakailan.

Image by Ina Reformina via Twitter

Saad ng maraming netizen ay mayroong mga liblib na lugar kasi na tanging ABS-CBN Regional Network lamang ang may signal, pero ang mga ito nga’y kasama sa mga naisara dahil sa hindi pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN. Binanggit din nila ang diumano’y mas komprehensibong pagbabalita ng TV Network.

“Mas ngayon kailangan ng ating mga kababayan lalo na ang mga tinamaan ng bagyong Rolly at ‘yung mga nakatira sa liblib na lugar ang ABS-CBN REGIONAL NETWORK GROUP,” ang post ng isang social media user.

Sabi naman ng iba, “Now, you come to media for help? ABS-CBN’s Regional Network Group had the reach that can even serve far flung areas before the 70 representatives denied ABS-CBN their franchise, which caused them to shutdown operations.”

May nagsabi naman ng, “The media information gap is so bad that I can’t even determine on a personal level on how bad Rolly was as a typhoon. The coverage on Yolanda from ABS-CBN was so visceral and showed you on-the-ground real time happenings. It showed you how absolutely bad the effects were.”

Image by Ina Reformina via Twitter

House committee tuluyan nang ibinasura ang bagong prangkisa ng ABS-CBN

Matatandaang ibinasura ng House Legislative Franchise Committee ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa Hulyo ngayong taon.

Naganap ito makaraang maglabas ang technical working group ng rekomendasyon para tanggihan ang pag-renew sa prangkisa na sinundan naman ng botong 70-10 ng mga Kongresista na nasa Komite pabor sa rekomendasyon.

Imahe mula sa YouTube | ANC

Loading…