Advance payments para sa foreign developers ng COVID-19 vaccine aprubado kay Pres. Duterte

Screenshot mula sa ANC video
  • Aprubado kay President Duterte ang rekomendasyon na mag-advance payments para sa COVID-19 vaccines
  • Pumayag umano ang Presidente na magbigay ng paunang bayad dahil ayaw nitong mapag-iwanan ang bansa sa unahan sa pagbili ng vaccine
  • isinapubliko ng Department of Health ang listahan ng “priority eligible groups” na mauunang babakunahan

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na magbigay ng advance payments para sa COVID-19 vaccines.

Imahe mula sa PCOO

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinanggap ni Presidente Duterte ang rekomendasyon ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na makipag-usap sa mga foreign developers ng COVID-19 vaccine upang matiyak na mayroong sapat na vaccine doses ang Pilipinas sa oras na maaprubahan ang malawakang paggamit ng bakuna.

Pumayag umano ang Presidente na magbigay ng paunang bayad dahil ayaw nitong mapag-iwanan ang bansa sa unahan sa pagbili ng vaccine.

Sinabi ni Roque na noong una ay ayaw ng Pangulo na magbigay ng reservation fee para sa COIVID-19 vaccine dahil taliwas ito sa isinasaad ng procurement laws ng bansa. Nagbago lang daw ang isip nito nang malamang maraming mga bansa na ang nagbigay ng advance payments para sa dine-develop na bakuna para sa novel coronavirus.

“Pumayag na po tayo na magkakaroon po tayo ng advanced kasi ‘pag hindi po tayo pumayag eh baka mangulelat tayo sa mga bansa na makakakuha ng vaccine,” sabi ng tagapagsalita ng Presidente.

Screenshot mula sa ANC video

Isinasaad sa Government Auditing Code na ang gobyerno ay hindi obligadong magbigay ng advance payment para sa serbisyo o produktong hindi pa naide-deliver.

Samantala, isinapubliko ng Department of Health ang listahan ng “priority eligible groups” na mauunang babakunahan. First priority ang frontline health workers, susunod ang indigent senior citizens, ikatlo ang “other remaining senior citizens,” at ang ikaapat ay ang iba pang mga mamamayang mahihirap.

Fifth priority ang uniformed personnel (PNP, AFP, PCG, BFP, CAFGU), 6th prioity ang lahat ng mga teachers, 7th priority ang government workers (national at local government), 8th priority ang mga essential workers sa agriculture, food industry, transportation at tourism.

Screenshot mula sa ANC video

Ikasiyam sa listahan ang mga persons deprived of liberty, persons with disability at mga Pilipinong naninirahan sa high-density areas. Tenth priority ang mga overseas Filipino workers, 11th priority ang ibang nasa workforce at panghuli ay ang mga estudyante.

Nilinaw ni Dr. Aleli Grace Sudiacal na posibleng magkaroon ng kaunting pagbabago sa listahan depende sa uri ng bakuna na mabibili ng bansa.

Screenshot mula sa ANC video

Loading…