AiAi delas Alas niregaluhan ang mga bata, matatanda sa kanyang kaarawan

Image by AiAi delas Alas via Instagram
  • AiAi delas Alas, namigay ng regalo sa mga bata at matatanda na nasa pangangalaga ng isang foundation
  • Hindi pumasok si AiAi sa kuwarto ng mga niregaluhan dahil sa pandemya, nagkumustahan sila sa bintana
  • Nasurpresa naman ang komedyante sa ginawa ng kaniyang driver at mga kasambahay

Namigay ng mga regalo kagaya ng mga pagkain, gatas at lampin si Queen of Comedy AiAi delas Alas sa mga bata at mga inabandonang matanda na inaalagaan ng grupong Missionaries of Charity Home of Joy sa Tondo, Maynila. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-56 kaarawan ng komedyante.

Image by AiAi delas Alas via Instagram

Dulot ng COVID-19 pandemic ay bawal pumasok si AiAi sa loob ng kuwarto ng mga niregaluhan kaya’t nagkumustahan na lamang sila sa may bintana at doon na rin nila kinantahan ng birthday song ang celebrant.

Karamihan sa mga nasa foundation ay mga children iniwan pero mayroon namang dinadala ng mga magulang mula sa mahihirap na pamilya doon kapag mayroong karamdaman at iniuuwi kapag magaling na.

Pagkukuwento pa ni AiAi sa Cabinet Files ng PEP, “May isa doon na favorite ko, si Angela. Sa tuwing pumupunta ako sa Missionaries of Charity Home of Joy, parating may pilay ang paa niya.”

Nito lamang, aniya, ay mayroong pilay pero sa kamay naman. Natutuwa raw siya yamang ang laki na ng bata na ngayon ay walong taong gulang na. “Nakakatuwa, kumakanta-kanta pa siya.”

Nakasanayan na rin umano nito ang paliguan ang mga matatanda na nasa pangangalaga ng foundation tuwing kaarawan niya pero hindi niya ito nagawa ngayon.

Nauna rito ay nagsimba muna si AiAi kasama ang kanyang asawang si Gerald Sibayan at anak na si Sophia sa St. Peter Parish sa Commonwealth, Quezon City.

Image by AiAi delas Alas via Instagram

Nasurpresa naman siya nang maghanda ang kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kasambahay at driver para sa kanyang kaarawan. Napaiyak daw siya dahil ito ang first time na surprise ng mga ito sa kanya, lalo na’t napilitan siyang bawasan ang sahod ng kanilang driver at kasambahay noong nakaraang buwan dahil nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya.

“Tsaka naglaan sila ng time at sweldo para mabigyan ako gift. Naiiyak na naman ako kasi itong pandemic kalahati lang sweldo nila muna kasi walang work pero sama-sama kami sa hirap at ginhawa.”

Gayung may trabaho na siya ngayon, ibinalik na raw niya sa dati ang suweldo ng mga ito.

Image by AiAi delas Alas via Instagram
Source :

PEP, GMA News

Loading…