AirAsia, Liter of Light naghatid ng solar solutions sa IP communities ng Zamboanga

Image by AirAsia Philippines via Facebook
  • Solar light powered bottles, ipinamahagi ng AirAsia PH at Liter of Light Org sa Zamboanga
  • Magagamit ito ng mga residente sa pangkabuhayan at edukasyon
  • Matatandaang nalugmok sa ground zero ang lugar dahil sa Zamboanga siege noong 2013

Namahagi ng sustainable solar light powered bottles ang AirAsia Philippines at Liter of Light Organization sa mga miyembro ng indigenous communities sa Zamboanga. Layunin nito na makapagdala ng ilaw na siyang magagamit sa pangkabuhayan at edukasyon ng mga residente.

Image by AirAsia Philippines via Facebook

Kabilang sa mga nakatanggap ang Subanon at Sama Bangingi Tribes, mga indigenous communities na labis na naapektuhan ng 2013 Zamboanga seige. Malaki ang pinsalang iniwan ng naganap sa Simariki Island na nagdulot ng pagkawala ng livelihood at community resources ng mga residente, nalugmok sila sa ground zero.

Kaya’t para sa pagbangon ng mga residente na karamihan ay namumuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, mahalaga ang pailaw para matulungan sila sa kanilang paghahanapbuhay at pag-aaral ng mga bata sa gabi.

Nabigyan din ang mga residente ng Barangay Talon, Talon.

Ang solar-powered light bottles na ipinamahagi ay kayang makapag-ilaw ng area na 50 square meters sa loob ng 14 hours. Nasa 65 pamilyang benepisyaryo ang nakatanggap nito.

Nasa turn-over ceremony sina AirAsia Philippines Spokesperson Steve Dailisan, Liter of Light Org Founding Chairman Illac Diaz, Zamboanga City Vice Mayor Rommel Agan, Ateneo Center for Community Extension Services Director Loreta Sta. Teresa, Program Officer Al-Fatima Ahiyal, Sama Bangingi Chieftain Nasir Ismula, at Barangay Talon-talon Council member Nurhaimin Ismael.

Image by AirAsia Philippines via website

Ani AirAsia Philippines CEO Ricky Isla, matatawag na difficult time ang naganap sa Zamboanga noong 2013 kaya’t umaasa siyana ang mga botelya ay hindi lamang magdadala ng ilaw sa kani-kanilang mga tahanan bagkus ay magdadala rin ng pag-asa na mayroong mas maganda at mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.

Pahayag naman ni Liter of Light Org Founding Chairman Illac Angelo Diaz, katuwang ang AirAsia ay hindi lamang sila nagbibigay ng initial materials kundi itina-transfer din nila ang teknolohiya at know how sa Zamboanga. “So that slowly, these green technologies can start in parallel.”

Image by AirAsia Philippines via Facebook

Loading…