Anak ni Arnell Ignacio, bumuwelta sa pasaring ni G. Tongi

Imahe mula sa Instagram | G. Tongi at Facebook | Pia Ignacio
  • Ipinagtanggol ng anak ni Arnell Ignacio ang kaniyang ama mula sa tweet ng aktres na si G. Tongi
  • Matatandaang sinagot noon ni G. ang pahayag ni Arnell na maraming artista ang mahina ang ulo
  • Ani G., ang may mahinang ulo ay iyong hindi na tinutubuan ng buhok

Sinagot ng anak ni Arnell Ignacio ang tweet ng aktres na si G. Tongi tungkol sa pagiging kalbo ng kaniyang ama. Paliwanag niya, hindi dapat gawing biro ang kondisyong ito.

Imahe mula sa Instagram | G. Tongi

Matatandaang sinagot ni G. ang pahayag ni Arnell tungkol sa pagiging “mahina ang ulo” ng ilang mga artista.

“Noon, ang artista kadalasan ang tingin ay mahina ang ulo. Na-stereotype kumbaga. Nakasasama nga ng loob noon. Pero ngayon, ang hirap nang ipagtanggol. Ang daming pruweba e. May yabang pa nga sa katangahan e,” saad sa tweet ni Arnell.

Pinaniniwalaan ng netizens na ang pasaring na ito ay para kay Angelica Panganiban dahil sa tweet nito tungkol sa paghahanap sa mga awtoridad nang nanalasa si super typh0on Rolly kamakailan.

Bumuwelta rito si G. at sinabing “Arnell, dahan-dahan lang sa pag-atake ng mga kasamahan sa industriya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila,” aniya. “Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay ‘yong di tumutubong buhok mo. Kaya tuloy naka-plugins ka.”

Imahe mula sa Facebook | Pia Ignacio

Hindi naman ito ikinatuwa ng anak ni Arnell na si Pia Ignacio. Giit niya, marami ang may ganitong kondisyon na pilit nilalabanan ang insecurity na kaakibat nito.

“To generalize men suffering from hair l0ss or baldness as ‘mahinang ulo’ is just MEAN. We should offer support to men and women than dig deep into their insecurities,” paliwanag ni Pia.

Paalala niya pa, hindi kasalanan ng mga taong ito ang pagkawala ng kanilang buhok. “This statement is not just for this lady. Sana lahat po tayo, ‘wag nating pagtawanan ang mga kalbo o nakakalbo.”

Source :

Twitter, Facebook

Loading…