Andrea Torres, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni Derek Ramsay

Imahe mula sa Instagram
  • Kinumpirma ni Andrea Torres na hiwalay na sila ni Derek Ramsay
  • Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa kanilang breakup
  • Una nang nagbigay ng pahayag kaugnay nito si Derek na sinabing mabilis ang nangyaring hiwalayan

Nagsalita na ang aktres na si Andrea Torres tungkol sa breakup nila ni Derek Ramsay.

“Yes, Derek and I are no longer together,” pahayag ni Andrea sa isang mensahe sa 24 Oras.

Imahe mula sa Instagram

Ngunit hindi na nagbigay si Andrea ng iba pang detalye tungkol sa kanilang hiwalayan. “I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship. I think you all know how much it meant to me. I hope you understand,” sabi niya.

“I will always wish him and his family well.”

Una nang nagbigay ng kumpirmasyon si Derek tungkol dito matapos na magkomento ang isang netizen sa kaniyang post na si Andrea ang dapat sisihin sa hiwalayan.

Sabi ng Instagram user, hindi kagaya ng mga nakaraang relasyon ni Derek na umabot ng ilang taon ay isang taon lamang ang itinagal ng relasyon ng aktor kay Andrea.

Imahe mula sa Instagram | Andrea Torres

“Ano ba kayo, one year lang sila ni Andrea samantalang ‘yong past niya, six years lahat. Bakit ganoon kadali kay Andrea? Something is wrong with Andrea. ‘Wag ninyo isisi kay Derek lahat ‘yong past six years,” sabi niya.

Ipinagtanggol naman ng aktor si Andrea at sinabing walang mali rito. “She is a great woman. Please respect us na lang. We shared our love to all of you. Sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si Ada kaya ‘di ako magsasalita pero if I hear lies about her, I will defend her,” sabi pa niya.

Naging usap-usapan ang breakup ng dalawa matapos na mapansin ng netizens na burado na ang larawan ng isa’t isa sa kanilang Instagram accounts.

Source :

DF Balita, PEP

Loading…