‘Ang dami ng pangalan ko’: Bata nais palitan ng ‘Boy’ ang kaniyang pangalan

Imahe mula sa Facebook | Ray Jay Valdez
  • Trending ngayon sa social media ang isang limang taong gulang na bata na humiling na gawin na lamang ‘Boy’ ang kaniyang pangalan sa halip na ‘Drayven Thomas’
  • Ayon sa kaniyang ama, marahil ay napagod na sa pagsusulat si Drayven dahil bago iyon ay nagsulat pa siya ng numbers 1 hanggang 100
  • Paglilinaw niya, wala silang masamang intensyon sa pagbabahagi ng video at nais lamang maghatid ng good vibes

Nagdulot ng good vibes ang isang limang taong gulang na bata na humihiling na palitan ang kaniyang pangalan matapos siyang mapagod sa pagsusulat.

Imahe mula sa Facebook | Ray Jay Valdez

Ibinahagi ng kaniyang ama na si Ray Jay Valdez ang video ng kinder pupil na si Drayven Thomas na kinuhanan nitong Nobyembre 25. Makikita ritong lumuluha si Drayven habang nagsusulat dahil gusto niya raw bawasan ang kaniyang pangalan.

Nang tanungin kung ano ang gusto niyang maging pangalan ay sumagot itong “Gusto ko Boy Valdez. Mas madali nang isulat ang Boy tapos Valdez,” paliwanag niya.

Inisa-isa niya rin ang mga titik sa kaniyang pangalan upang kumbinsihin ang kaniyang ina. Sa kasalukuyan ay may mahigit 21k reactions at 5.3k comments na ang video na ito.

Imahe mula sa Facebook | Ray Jay Valdez

Kuwento ni Ray na siya ring nag-upload ng video, napagod na ang kaniyang anak sa pagsusulat dahil bago iyon ay pinasulat muna siya ng numbers 1 to 100 kaya marahil nahabaan siya sa isinusulat na pangalan.

“Earlier that day, meron siyang tutorial session. Both parents are working kaya po kami kumuha ng tutor. After that, nag-online class naman po si Drayven,” aniya.

Pagkatapos namang magtrabaho ng kaniyang mommy ay tinutulungan niya ito sa kaniyang mga homework na kadalasan ay exercises upang matuto siyang magsulat, magbasa, at magbilang.

Paliwanag din ng kaniyang ama, wala silang masamang intensyon sa pagbabahagi ng video na ito at nais lamang nilang magbigay ng good vibes. “This video was not posted to harm the child in any way. DO NOT make a big deal out of it. PLEASE and THANK YOU!”

Panoorin dito ang video:

Source :

Facebook

Loading…