Angel Locsin inaming ikakasal sana nitong Nobyembre 8

  • Ikakasal na dapat sina Angel Locsin at Neil Arce
  • Nobyembre 8, 2020 ang nakatakdang petsa
  • Pinili niyang i-reschedule ito

Inamin ng sikat na aktres na si Angel Locsin na ikakasal na sana siya nitong Nobyembre 8, 2020 subalit kagaya ng ibang may plano, naudlot ito dahil sa pandemya.

Makikita sa Twitter at Instagram posts ni Angel ang kaniyang pag-amin, bagay na ikinabigla at pinanghinayangan naman ng kaniyang tagahanga at tagasuporta.

Ayon sa kaniyang post, “So, we were supposed to get married today Nov 8, 2020, how about you guys? Did you have plans this year that got moved? Can’t wait a few more months.”

Imahe mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Samantala, sa comment section naman ng Instagram post ay nagkomento ang kaniyang fiance na si Neil Arce, na isang producer.

“A few more months… I can’t wait to be your husband,” ayon kay Arce; bagay na kinakiligan naman ng mga netizens.

Marami sa mga kilalang personalidad ang nagpahatid ng kanilang komento. Ito ay ang batikang newscaster na si Karen Davila, comedianne Kim Molina, Ryan Eigenmann, Pinky Amador, Bubbles Paraiso, Tim Yap, at Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

Nagpahatid din ng kanilang mga mensahe ang mga netizens.

“Don’t worry idol makakasal din kayo masaya kami para sa ‘yo much love much love,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “It will come… all things come to those who wait. After all, you are an angel, smiling face with halo. Just take extra care. Keep your eyes wide open.”

“We also can’t wait to see you in a white gown and walk down the aisle. Smiling face with heart-shaped eyes. Love you both,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Sa panayam ng ABS-CBN News, inamin ni Arce na intimate wedding lamang ang kanilang plano bilang pagtalima pa rin sa quarantine protocols. Subalit mas pinili nilang i-postpone na lamang upang makadalo rin ang kanilang mga kaibigan.

“We were thinking, ‘Should we do it small?’ But that’s not us eh. We’re friends, we have a group of friends. We want everyone to be there. We want everyone to have fun,” ani Arce.

Subalit para naman kay Angel mas okay na rin ang pag-postpone sa kasal upang mas mapagplanuhan pa ito.

Loading…