Angelina Jolie, posibleng makasama ni Manny Pacquiao at Cesar Montano sa isang pelikula

Imahe mula sa Famous People Wiki
  • Posibleng makasama ni Manny Pacquiao at Cesar Montano sa pelikulang Freedom Fighter ang American actress na si Angelina Jolie
  • Ang script ng pelikula ay nire-rewrite at pagkatapos ay ipadadala ng US-based Pinoy film producer na si Francis B. Lara Ho sa Hollywood actress
  • Ang gumagawa ng rewriting ng script ay ang award-winning Hollywood Director-Writer-Producer na si Cyrus Nowrasteh, na nakapagsulat na ng mga screenplays para kay Steven Spielberg, Oliver Stone, at marami pang ibang A-list producers sa Hollywood

Kinukuha ang Hollywood actress na si Angelina Jolie upang gumanap sa isang mahalagang papel sa pelikulang ginagawa ng isang US-based Pinoy movie producer.

Imahe mula sa The Bangkok Post

Kung tatangapin ng batikang American actress ang alok sa kaniya ay makakasama niya sa pelikula sina Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao at Cesar Montano.

Ibinahagi ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal na ikinuwento umano sa kanya ng kaibigang si Cesar Montano na ang script sa pelikulang “Freedom Fighters,”  kung saan tampok silang dalawa ni Pacquiao, ay nire-rewrite.

Kapag natapos umano ang rewriting ng script ay ipadadala iyon kay Angelina Jolie.

Isipin pa lang ang posibilidad na makasama niya sa pelikula ang popular na American actress ay nae-excite na raw si Cesar Montano. Paborito kasi niya si Angelina Jolie. Sa katunayan ang mga pangalan ng apat na anak niya sa dating asawang si Sunshine Cruz ay sunod sa pangalan ng American actress – Angela, Angelina Isabelle, Samantha Angeline and Angel Francheska.

Tinawag ng Pinoy producer ang naturang $32-million movie – na hango sa memoirs ng isang American missionary na si Louis R. Spencer na pinamagatang “The Guerilla Wife” – na “first Hollywood-Philippines global motion picture production.

Imahe mula kay Francis B. Lara Ho

Ibinida ni Francis B. Lara Ho na ang gumagawa ng rewriting ng script ay ang award-winning Hollywood Director-Writer-Producer na si Cyrus Nowrasteh.

Sabi niya, si Nowerastech ay nakapagsulat na ng mga screenplays para kay Steven Spielberg, Oliver Stone, at marami pang ibang A-list producers sa Hollywood.

Buong pagmamalaking sinabi ni Francsi B. Lara Ho ng Inspire Studios na sa pamamagitan ng pelikulang Freedom Fighters, ang Pilipinas ay hindi lang maitatanghal sa world stage kundi maihahayag din sa buong mundo ang kabayanihan at kadakilaan ng mga Pilipino na nakipaglaban kasama ng mga American comrades noong WWII.

Imahe mula kay Francis B. Lara Ho

Gagampanan ni Manny Pacquiao sa pelikula ang papel bilang si Col. Macario Peralta Jr. na pinuno ng mga Pilipinong gerilya sa Panay Island. Si Cesar Montano naman ay gaganap bilang isang si Rev. Delfin Dianala, isang Protestant minister.

Loading…