Aroma of success: Tagumpay ‘ipaamoy’ daw sa lahat, ayon sa isang netizen

  • Kinaaliwan ang isang netizen
  • ‘Ipaamoy’ raw ang pagtatagumpay sa iba
  • Sa pamamagitan ito ng pagbubukas ng burger sa loob ng bus

Iba-iba ang sukatan ng pagtatagumpay ng isang tao. Maaaring ito ay may kinalaman sa piniling karera, trabaho, pag-ibig, o pagkakaroon ng mga materyal na bagay na nais makamtan. O kaya naman, ang simpleng katiwasayan, kapayapaan, at kaligayahan ay maituturing ding tagumpay.

Kaya naman, may pabiro subalit makahulugang pahayag ang netizen na si “Aljon Bartolazo” hinggil sa pagtatagumpay, na kinaaliwan naman ng mga kapwa netizens. Makikita ito sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Aljon Ibañez Bartolazo

“Work hard, get paid, buy yum burger. Open it in a bus and let everyone smell your success,” pabirong caption ng kaniyang post. Kalakip nito ang kaniyang larawan habang hawak ang isang burger na binili sa isang sikat na fast food chain. Mahihinuhang siya ay nasa loob ng airconditioned bus.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Totoo naman po, but remember? All commuters are wearing face mask, so they could not even smell,” pabirong tugon ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang sarap ng tulog mo sa bus pero ‘pag nahanginan ng aircon ito, talagang damay-damay na ang lahat. Magigising sila na amoy-burger sa loob ng bus.”

“That moment when you bite your yum burger, the person next to you looks away and trying not to look hungry,” saad naman ng isa.

Si Aljon Bartolazo ay isang pharmacy assistant at musician. Kuwento niya, napa-“hugot” lamang siya sa kaniyang burger bilang reward sa kaniyang sarili, at pasalubong na rin sa kaniyang pamilya.

Public Domain Image

“Bali favorite ko talaga ang yum burger alam ng mga barkada ko yun tapos ‘pag open ko sa bus mabango talaga napatingin yung katabi ko eh, naisip ko lang kasi nakakapagod din mag-work talaga tapos dami pa dapat gagawin sa bahay; na parang naging mindset ko na okay lang naman bilihin mo yung gusto mo paminsan-minsan kung saan ka magiging masaya,” pagbabahagi niya.

At gaya ng iba, may sarili rin siyang pagpapakahulugan ng success o pagtatagumpay.

“Successful ka na kung nagdadasal, successful ka kung wala kang utang, successful ka kung hindi ka naninira ng kapwa at naninira ng iba. Successful ka ‘pag nagagawa mo gusto mo. Success is achieving your desired things in life,” aniya.

Ikaw, ano ang pagpapakahulugan mo sa “tagumpay?”

Source :

Facebook

Loading…