Asec ng DOTr may tugon sa patutsadang Twitter post ni Angelica Panganiban

  • “Bayanihan po, hindi hilahan pababa”
  • Iyan ang tugon ni DOTr Asec Libiran kay Angelica Panganiban
  • Kaugnay ito ng patutsada ni Angge sa kaniyang Twitter post

Pinag-usapan ng mga netizens ang cryptic Twitter post ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban hinggil sa pananalasa ng bagyong Rolly nitong Nobyembre 1, 2020, na tila ba may himig-pagpaparinig sa mga opisyal ng pamahalaan.

“Ano nang plano? Tulog na lang? Kilos-kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino,” ayon sa Twitter post ni Panganiban.

Imahe mula sa Twitter account ni Angelica Panganiban

Naging trending #1 kasi sa Twitter ang hashtag #NasaanAngPangulo dahil hindi raw makita ang presensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte, na noon daw ay nasa hometown nito habang hinahambalos ni Rolly ang ilang mga lalawigan sa kasagsagan din ng paggunita ng All Saints’ Day.

Agad namang nagbigay ng kaniyang reaksyon si Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran sa kaniyang Facebook post; kalakip ang screenshot ng Twitter post ng aktres.

“Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang,” ayon sa kaniyang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ay Ma’am guilty ka kaagad? Ano ngayon kung wala kayong tulog ? Eh di matulog ka. Saka trabaho ninyo ‘yan… Sinusuwelduhan kayo galing sa tax ng bayan kaya wala kayong karapatang magreklamo.. Kung magrereklamo ka sa mga puna eh di mag-resign ka!” gigil na sabi ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni DOTr Asec Goddes Libiran

Turan naman ng isa. “Tama naman si Asec. Angelica Panganiban is one of my favorite actresses, pero kung wala rin naman po kayong maitutulong, mas makabubuti pong shut up na lang. Dapat follow  na lang din ang government pages para matauhan kayo nang kaunti o magkaroon ng hiya bago mag-Tweet.”

“May karapatan si Angelica magpahayag ng kaniyang saloobin, at may karapatan din naman si Asec na linawing may ginagawa sila,” wika naman ng isa.

Nitong Nobyembre 2, 2020, dinalaw ni Pangulong Duterte ang Albay upang makita ang epekto ng paghambalos ni Rolly sa naturang lalawigan.

Samantala, wala pa namang reaksyon o opisyal na pahayag si Angelica hinggil sa naging reaksyon o pahayag ng Asec sa kaniyang Twitter post.

Source :

Twitter, Facebook, PEP

Loading…