Average Pinoy kailangang mag-ipon sa loob ng 88 araw para makabili ng iPhone 12 Pro – Survey

Imahe mula sa BGR
  • Lumabas sa isang survey na kailangang mag-ipon ang isang averaging working Pinoy sa loob ng 88 na araw upang mabili ang iPhone 12 Pro
  • Ito ay base sa kasalukuyang presyo ng unit sa Pilipinas at sa umiiral na average net wage na P14,999 at walang kainan
  • Para sa mga average na Pinoy, napakalaking halaga na nito lalo pa ngayong nakasadlak sa krisis ang buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic

Walang duda na ang paglabas ng pinakabagong modelo at iteration ng iPhone na iPhone 12 ang isa sa pinakaaabangang events ng mga gadget enthusiasts hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

Noong October 13 ay opisyal itong inanunsiyo ng Cupertino-based company at mula dito ay apat na models ang inilabas na siyang nagpasabik sa mga iPhone lovers – ang Phone 12, 12 mini, 12 Pro, at 12 Pro Max.

Ang presyo ay mula sa pinakamababang $699 (iPhone 12 mini) hanggang $1099 (iPhone 12 Pro Max).

Imahe mula sa Apple PH

Ayon sa website ng Apple Philippines, ang presyo ng iPhone 12 Pro sa bansa ay nagsisimula sa P62,990 habang ang iPhone 12 Pro Max naman ay nagsisimula sa P68,990.

Para sa mga average na Pinoy, napakalaking halaga na nito lalo pa ngayong nakasadlak sa krisis ang buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Subalit kung ikaw talaga ay sadyang nais bumili ng pinakabagong iPhone sa kung ano pa mang dahilan, at kung ikaw ay isang ordinaryong empleyado lamang na kailangang munang mag-ipon upang masunod ang ganitongluho, gaano nga ba katagal ang kailangan mong tiisin bago makuha ang inaasam na cellphone?

Imahe mula sa Picodi.com

Ayon sa survey ng Picodi.com, para sa average working Filipino, kailangang mag-ipon ito sa loob ng 88.2 na araw upang makabili ng base model ng iPhone 12 Pro (128 GB).

Ito umano ay base sa average net wage sa bansa na P14,999 at walang kainan.

Dahil dito, ang mga Pilipino ang nasa ibaba ng listahan ng 58 na bansa kung saan inanunsiyo na ang presyo ng iPhone 12.

Imahe mula sa Picodi.com

Kung ikukumpara, base sa survey, mas matagal pa ang kailangang pag-iipon ng mga Pinoy kaysa sa mga taga-Ukraine (87 araw), Colombia (86.5 araw) at Brazil (83.3 araw). Mas matagal rin ito kumpara sa mga kalapit-bansa natin sa Asya tulad ng Thailand (40.6 araw), Malaysia (29.1 araw), at Singapore (8.1 araw).

Samantala, nangunguna naman sa listahan ang mga taga-Switzerland na kailangang mag-ipon lamang ng 4.4 na araw upang mabili ang iPhone 12 Pro. Sinusundan ito ng USA (6.1 araw) at Australia (6.6).

Loading…