Babaeng may Down Syndrome ‘di naging hadlang ang kalagayan sa pangarap na maging isang guro

Screenshot mula sa video ng Special Olympics
  • Hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng down syndrome para sa isang dalaga upang maabot ang pangarap
  • Ss suporta’t pagmamahal ng mga magulang at pananalig sa Diyos ay nalampasan niya ang mga panghuhusga sa mga katulad niya
  • SI Brina Maxino ay isa na ngayong assistant teacher

Sa kabila ng pagkakaroon ng intellectual disability, napatunayan ni Brina Maxino na kaya ng katulad niyang may down syndrome na maabot ang pangarap sa pamamagitan ng pagsusumikap, pagmamahalan at pananalig sa Maykapal.

Imahe mula sa Colgate

Sa isang live video ng “Smile Strong” campaign ng Colgate kung saan isa siya sa itinampok na “Champions of Change,” ibinahagi ni Brina ang kuwento ng kanyang mga karanasan sa buhay mula pagkabata at ang suporta’t pagmamahal na ibinigay ng kanya ng mga magulang hanggang sa maabot niya ang kanyang pangarap.

“At nine days old, the doctor told my parents I can’t live long because of a hole in my heart,” panimula ni Brina.

“In Grade 5, teachers told me that I can’t be in school because I have low IQ,” patuloy niya.

Sinabi raw ng mga psychologists noong 10 years old siya na hindi niya matatapos ang grade school dahil sa kanyang kondisyon. Madalas din umano siyang tudyuhin ng mga kaklase.

“They excluded me from their games because they thought I was too slow. There were schools that did not accept me because I was not smart enough,” ani Brina na isa ring global ambassador ng Special Olympics at minsan na ring naimbitahan noon ni dating US President Barack Obama para sa isang dinner noong 2014.

Imahe mula sa Special Olympics

At dahil sa todong suporta, pagmamahal at pagtitiyaga mula sa mga magulang, nakatapos ng high school si Brina sa edad na 16 bilang class valedictorian. Twenty years old siya nang matapos ang kurso sa kolehiyo na AB History. Aniya, may dalawang degree pa siyang natapos bukod sa History.

Ang turo sa kanya ng mga magulang ay kung magsisikap siya ay malalampasan niya ang kanyang disability.

“Despite my condition, I was able to fulfill another dream, which is to inspire other people. My faith in God enables me to achieve. God keeps me going because He shows that I have purpose in my life – to work for inclusion and acceptance of special kids in the Philippines,” ani Brina.

Screenshot mula sa video ng Special Olympics

“Every day, people with intellectual disabilities suffer rejection and ridicule because others think we are not good enough. They are wrong. We can do more and be more, if only the world gives us a fighting chance,” paninindigan ng dalaga.

Si Brina ay isa na ngayong assistant teacher sa Pean Integrated School sa Parañaque City.

Imahe mula sa Special Olympics

Loading…