‘Babawi ako sa science’: Tricia Robredo binalikan ang lumang liham sa mga magulang matapos maging ganap na doktor

Imahe mula sa Instagram at Twitter | Leni Robredo at Tricia Robredo
  • Ibinahagi ng anak ni Vice President Leni Robredo na si Tricia ang lumang liham para sa kaniyang mga magulang nang aminin niyang bumagsak siya sa isang pagsusulit
  • Sabi niya noon, huwag sanang magalit sa kaniya ang kaniyang mga magulang dahil babawi naman siya sa exam nila sa Science
  • Makalipas ang ilang taon ay pumasa siya sa Physician Licensure Exam at tinupad ang kaniyang pangakong babawi sa Science

Binalikan ng anak ni Vice President Leni Robredo na si Janine Patricia Robredo ang liham na ibinigay niya sa kaniyang mga magulang ilang taon na ang nakalilipas kung saan sinabi niyang bumagsak siya sa exam sa Mathematics ngunit babawi siya sa Science.

Imahe mula sa Instagram | Tricia Robredo

“Dear mama @lenirobredo and papa @jmrobredo, binawi ko nga sa science,” sabi niya matapos na mapabilang sa 3,538 na nakapasa sa November 2020 Physician Licensure Examination.

Sa kaniyang liham ay inamin niyang nakakuha siya ng mababang marka sa Math. “May importante akong sasabihin sa inyo. I’m really, really sorry and I’ve got important things to tell you,” saad sa printed na liham niya.

Nakakuha raw siya ng 2/10 sa kaniyang exam ngunit huwag daw sana silang magalit sa kaniya. “I promise na babawiin ko ‘yong sa science. Love, Tricia,” pangako niya pa.

Imahe mula sa Instagram | Aika Robredo

Una niya itong ibinahagi sa Twitter taong 2016 matapos itong mahanap ng kaniyang ina sa kanilang tahanan. “Mama was cleaning the house and found this letter I wrote ages ago,” sabi niya noon.

Hindi naman niya binigo ang kaniyang mga magulang at bumawi nga sa Science dahil isa na siya ngayong ganap na doktora.

Samantala, proud na proud naman si VP Leni sa achievement na ito ng kaniyang anak.

“Our children’s achievements are always sweeter than our own. Congratulations, Trish. Thank you for making us proud many times over,” sabi niya sa isang post kalakip ang larawan nila ng anak.

Congratulations, physician licensure exam passers!

Source :

Twitter, PRC, Twitter

Loading…