Badjao girl na viral noon, pang-beauty queen na ang ganda ngayon?

Imahe mula kay Badjao Girl
  • Ganda ni Badjao Girl, puwede na raw pang-beauty queen
  • Si Rita Gaviola ay naging guest sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga kung saan ang mga panauhin ay ang mga naging “talk of the town” noon
  • Nag-viral noon si Rita nang kumalat sa social media ang larawan niya habang namamalimos noong trese anyos pa lang siya

Nakilala ng madla si Rita Gaviola dahil sa larawan niya na nag-viral noon habang namamalimos sa Lucban na nagdaraos noon ng kapistahan. Kabilang si Rita o Rits sa indigenous tribe na Badjao kaya binansagan siya at nakilala bilang si “Badjao Girl.”

Screenshot mula sa GMA video

Trese anyos pa lang siya noon at makalipas ang apat na taon ay marami nang magagandang pagbabago ang nangyari sa kanya at sa pamilya. Marami na rin ang nakapansin ng angkin niyang kagandahan na tila pang-beauty queen na raw?

Noong Sabado, November 14, isa si Rits sa mga guests ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga noontime show. Ang mga guests ay naging usap-usapan ng mga tao noon.

“Sa pamamalimos po,” sagot ni Rits sa tanong sa kanya kung paano siya nakilala.

“Nag-viral po. Ako po ‘yung tinatawag na Badjao Girl po,” sabi pa ni Rits, na disisyete anyos na ngayon.

Sabi naman ni Dabarkads Paolo Ballesteros, naging usap-usapan daw si Rits ng mga “beki” nang makita ang mga pictures  niya ngayon. Puwede raw na pang-beauty queen.

“Nung nakita ‘yung picture niya, parang sabi ‘Ay, pwede ‘tong pang-Binibining Pilipinas…baka pwedeng maging Miss Universe natin,’” ani Paolo.

Screenshot mula sa GMA video

Nang tanungin kung may balak sumali sa mga beauty pageant, sinabi ni “Badjao Girl” na habang bata pa siya ay pagtutuunan niya ang pag-aaral. Mas maganda raw kasi kung nakatapos ng pag-aaral.

Inamin ni Rits na malaki na ang nabago sa kaniya. Kung dati ay nakikita siya sa kalsada na namamalimos, ngayon daw ay napapanood na siya sa telebisyon.

Imahe mula kay Badjao Girl

Loading…