
- Mahigit P50-M umano ang nakalaang budget para sa bagong logo ng BSP
- Hati naman ang opinyon ng mga netizens sa bagong logo
- Hindi pa naglalabas ng pahayag ang BSP tungkol sa aktuwal na budget ng nasabing logo
Mahigit P50-milyon umano ang inilaang budget ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa bago nitong logo na kasalukuyang pinag-uusapan sa social media kung saan hati ang opinyon ng mga netizens.
Ayon sa dokumentong nakuha ng Bilyonaryo, naglaan ang BSP ng kabuuang P52.5-M para sa bagong logo nito ngayong taon.

Base raw sa dokumento ng BSP, ang 2020 budget ng ahensiya ay naglaan ng P30-M para sa “public relations and advertising programs for BSP branding, circulars, advisories, notices, and corporate ads”, habang P15-M naman ay para sa “production and replication of ad materials for TV, radio” at “cinema ads for BSP branding and other programs”.
Maliban dito, mayroon ding budget na P7.5-M para naman sa “public relations and advertising programs” o social media buyers.
Ang notice of biddings naman umano ay itinakdang ganapin noong first and second quarter ng kasalukuyang taon habang ang notice of award at contract signing ay dapat ngayong third quarter.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag si BSP corporate affairs manager Elisha Lirio tungkol sa tanong na kung magkano ba talaga ang aktuwal na budget ng bagong logo at kung anong ahensiya ang nakakuha ng kontrata.
Hati ang opinyon ng mga social media users tungkol sa bagong logo ng BSP. Mayroong pabor sa bagong hitsura nito habang ang iba naman ay nagsabing may hawig ito sa logo ng isang departamento sa US at mukhang hindi makabago ang disenyo.

Subalit dinepensahan naman ito ni BSP Governor Benjamin Diokno na nagsabing ang paggamit ng Philippine eagle sa logo ay may layong katawanin nito ang BSP at ang mga taong pinagsisilbihan nila.
“While the strong foundation of the BSP brand remains the same, its visual representation in the form of the logo requires an update to infuse the institution with renewed vitality, underscore its integrity and competence, and further promote the understanding of its mandates,” paliwanag ni Diokno.