Barbie Imperial nag-aalala sa pamilya sa Bikol: “Wala pa rin kaming balita sa kanila”

Screenshot mula sa Instagram ni Barbie Imperial
  • Nag-alala si Barbie Imperial sa kaniyang mga kamag-anak sa Bikol na dinaanan ng bagyo
  • Wala pa rin daw kasi silang balita sa kanila makaraan ang ilang araw
  • Naglunsad rin ang aktres ng fundraising drive para sa kaniyang mga kababayan

Hindi maiwasang mag-alala ni Barbie Imperial sa kaniyang pamilya sa Albay at Catanduanes dahil hindi pa rin daw niya nakakausap ang mga ito ilang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly sa Kabikulan noong Sabado at Linggo.

Sa online presscon ng ‘Oh Mando!’, ang bagong digital series na ipalalabas sa iWant TFC, ibinahagi ng aktres na pinakamalaking hamon para sa kaniya ngayon ay ang mahiwalay sa pamilya.

Screenshot mula sa Instagram ni Barbie Imperial

Dati raw kasi ang pinaka-importante sa kaniya ay ang trabaho subalit nagbago ang kaniyang pananaw nang magkaroon ng pandemya.

“Kasi pag wala akong trabaho, wala akong mabibigay sa pamilya ko. But now, dahil sa pandemic na-realize ko na, ‘Oh my God, ang mga pinakaimportanteng bagay ngayon ay maging healthy ako at ang pamilya ko,’” kuwento ng aktres.

Lalo pa ngayon umano na dumaan ang malakas na bagyo at ilang araw na ay wala pa rin siyang balita sa kaniyang mga kamag-anak sa Bikol.

Screenshot mula sa Instagram ni Barbie Imperial

“So, until now yung biggest challenge para sa akin, kasi I have family left in Albay and Catanduanes. It’s been three days. Wala pa rin kaming balita sa kanila. Yung buong Virac sobrang washed out talaga and maraming namatay so ‘yun ‘yung challenge for me, being away from family,” wika ni Barbie, na nagmula sa Albay.

Nakalulungkot daw na maiiba ngayon ang Pasko dahil mahihirapan siyang bumiyahe papuntang Bikol dahil na rin sa sitwasyon. Dati kasi ay talagang umuuwi siya sa kanilang probinsiya kapag Christmas.

“But ngayon, sobrang delikado, mahirap sumakay ng eroplano. Kahit land travel nga hindi rin ganun ka sigurado na makakapasok ka or makakabalik ka sa dati mong tinitirhan kasi strikto ngayon, ‘yung mga travel pass, health clearance,” kuwento pa ng aktres.

Screenshot mula sa Instagram ni Barbie Imperial

Ganun pa man, magiging masaya pa rin umano siya ngayong Pasko dahil kasama niya ang kaniyang mama at kuya para ipagdiwang ito.

Ang probinsiya ng Albay at Catanduanes ang dalawa sa lalawigan na grabeng naapektuhan ng magkasunod na bagyong Rolly at Quinta.

Dahil dito, naglunsad si Barbie ng fundraising drive upang makalikom ng pondo na maaaring itulong niya sa kaniyang mga kababayan na nasalanta ng kalamidad.

Loading…