“Basic birthday greeting” kinaaliwan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang kakaibang birthday greeting
  • Ipinakalat kasi sa iba’t ibang lugar ang larawan ng birthday celebrator na may nakalagay na “Happy Birthday”
  • Nagmistula siyang nawawalang tao o “wanted”

Ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang tao o birthday ay isang espesyal na okasyong hindi pinalalagpas ng marami dahil ito ang panahong naisilang ang tao sa daigdig. Simple man o magarbo, iba-iba ang paraan at pagbati kung paano ipamamalas ang pagmamahal at pagpapahalaga sa taong may kaarawan. Sa makabagong panahon, idinaraan na rin sa social media ang mga pagbati.

Kaya naman, nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang isang “basic birthday greeting” na ibinahagi ni “John Ryan Pechay” sa kaniyang Facebook post.

Ipinakalat kasi sa iba’t ibang lugar ang larawan ng birthday celebrator na may nakalagay na “Happy Birthday” na nakaimprenta ng black and white sa bondpaper. Naihambing ito ng mga netizens sa paghahanap ng mga nawawalang tao, o kaya kapag may “wanted.”

Imahe mula sa Facebook account ni John Ryan Pechay

“Napaka-basic naman ng mga greetings sa ‘yo parang hindi ka mahal. Happy Birthday!” pabirong caption sa naturang post.

Nakadikit ang naturang mga larawan sa poste, sa kariton, sa dingding, sa barangay patrol, sa computer shop, sa kainan, at iba pa.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, nakakuha ako ng idea kung paano ko i-greet ang asawa ko. Nice!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang cool naman! Malalaman sa buong barangay na birthday mo, hahahaha, lahat ay makakaalam at baka sumugod pa sa bahay mo. Nice concept!

“Naalala ko noon sa construction site ako may trabaho way back 2015, name nga lang without picture ko. Dinikit ng warehouseman namin sa iba’t ibang dingding malapit sa site office. Hahaha. Kakaloka hindi ba?” pagbabahagi naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Grabe naman ang effort! Hindi madali iyan ah. Two thumbs up iyan sa akin. Buti na lang hindi inalagay ang name para di masyadong nakakahiya.”

Imahe mula sa Facebook account ni John Ryan Pechay

Nakatutuwa, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…