“Believe in Christmas” music video ni Darren Espanto, puring-puri ng Pinoy netizens

Image capture from video by Darren Espanto via YouTube
  • Kantang Believe in Christmas ni Darren Espanto, puring-puri ng Pinoy netizens
  • Layunin nitong makapagbigay ng positibong mensahe ng pag-asa, pananampalataya, pagmamahal at kasiyahan sa gitna ng mapanghamong panahon
  • Darren: For as long as we have each other, no grueling situation can hold us down

Puring-puri ng maraming Pinoy netizens ang bagong labas na music video ni Darren Espanto. Mayroon itong pamagat na “Believe in Christmas” at layuning makapagbigay ng positibong mensahe ng pag-asa, pananampalataya, pagmamahal at kasiyahan sa gitna ng mga pinagdaraanan.

Image capture from video by Darren Espanto via YouTube

Komento ng isang netizen sa video na naka-upload sa YouTube na mayroon nang higit 350,000 panonood habang ibinabahagi ito, “Honestly, after these tough times that the world [is] experiencing almost a year now, I don’t feel anymore the spirit of any occasions we have ’til I happened to watch this video out of curiosity.

“I got teary eyes. Seriously, it hooked me, it lightens my feelings. Thanks for this reminder, while is Jesus is on our side, there is HOPE, JOY and LOVE and that makes sense. Christmas is worth celebrating for.”

Maliban sa pag-awit, si Darren din ang nagdirihe sa music video na kinunan sa Canada yamang nagpunta siya roon noong March 15, araw bago maideklara ang enhanced community quarantine sa Pilipinas.

Pahayag ng mang-aawit sa panayam ng Teleradyo, “We just wanted to give a simple message that if we keep the faith and if we keep believing in hope, love and joy — which is the true essence of Christmas — kaya pa rin po nating i-celebrate ang holidays na masaya.”

Sa isang statement ay nasabi rin niyang walang ibang paraan ng pagdiriwang ng Pasko kundi ang magpasalamat sa mga simpleng bagay sa gitna ng mapanghamong panahon. Aniya, panahon ito para palakasin ang pananampalataya at pagmamahal sa bawat isa at protektahan ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Image capture from video by Darren Espanto via YouTube

“This Christmas is different from what we’ve been accustomed to for sure, but I’m positive that we’ll emerge stronger, better individuals after this crisis unfold. For as long as we have each other, no grueling situation can hold us down.”

Ang Believe in Christmas ay composed ni Tiny Corpuz na siya ring nasa likod ng mga ABS-CBN Christmas songs na Family is Forever at Family is Love.

Panoorin ang video na naka-upload sa YT channel ni Darren:

Loading…