Below 15 years old at above 65 years old puwede nang makapamasyal sa MGCQ areas

Imahe mula sa DOT
  • Papayagan na ang mga batang may edad na mababa sa 15 at mga matatanda na ang edad ay lampas sa 65 na makapamasyal sa MGCQ areas
  • Ang pagluuwag sa age restrictions sa MGCQ areas ay depende rin sa LGUs at kailangang may konsultasyon muna sa DOT at DILG
  • Sinabi ng Cebu Governor na malaking tulong sa tourism industry at ekonomiya ang resolusyong ito ng IATF

Ang mga bata na ang edad ay mababa sa 15 at mga matatanda na ang edad ay lampas sa 65 ay papayagan nang makapamasyal sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Mangement of Emerging Infectious Diseases.

Imahe mula sa DOT

Sa isang resolusyon na may petsang November 19, 2020, sinabi ng IATF na ang pagluluwag sa age restrictions ay depende sa local government units at kailangan pa ng konsultasyon mula sa Department of Tourism (DOT) at Department of interior and Local Government (DILG).

Sa kasalukuyan, ang may edad na below 15 years old at above 65 years old, mayroong immuno deficiency, comorbidity at nagdadalang-tao ay hindi pinapayagang bumiyahe para sa pamamasyal.

Sa ilalim ng resolusyon, kailangang maglabas ng mga alituntunin ang Department of Health (DOH), DOT at DILG sa pagluluwag sa age restrictions kaugnay ng COVID-19 protocols.

“The aforementioned age restrictions for travelers for tourism purposes may be relaxed upon the determination of local government units, and subject to prior consultation with the DOT, DOH, and DILG and the development of specific guidelines for this purpose,” saad ng IATF Resolution No. 84.

Imahe mula sa DOT

Samantala, nagpahayag ng kasiyahan si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa resolusyong inilabas ng IATF.

Malaki umano ang maitutulong nito sa muling pagpapasigla ng tourism industry at ng ekonomiya ng bansa.

“We thank the IATF for affirming our position. This will be a much needed boost to the country’s tourism industry and the economy,” wika ng Cebu governor.

Ang Cebu City na isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga local at foreign tourists ay nasa ilalim ng MGCQ noon pang buwan ng Hulyo.

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Gwen Garcia
Source :

PNA, Philstar

Loading…