Bf ni Kiray Celis may sweet na shout out para sa aktres sa kaniyang graduation photo

Imahe mula sa RED Images at Instagram | Stephan Estopia
  • Sweet na sweet ang graduation photos ng boyfriend ni Kiray Celis na si Stephan Etopia
  • Ipinagsigawan niya kasi rito kung gaano niya kamahal ang kaniyang nobya
  • Proud girlfriend naman si Kiray at masaya rin daw siyang naging isa sa mga inspirasyon ng nobyo

Proud girlfriend ang aktres na si Kiray Celis sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Elberd Estopia na nagtapos kamakailan sa kursong Sports and Wellness Management.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Kiray ang graduation photos ni Stephan kung saan may sweet na pa-shout out siya para sa nobya.

Imahe mula sa RED Images

“MAHAL NA MAHAL KITA! JOHANNA ISMAEL CELIS,” saad sa isa. Sa isang larawan naman ay “KIRAY LANG SAKALAM!” o “Kiray lang malakas” ang nakasulat sa white board.

“Waaaahhhhhhh! Congrats, @stephan.estopia! Proud na proud ako sa iyo. Sobrang saya ko na nakatapos ka na. Bonus na lang ‘yong gawin mo akong isa sa mga inspirasyon mo,” sabi ni Kiray sa caption ng mga larawan na kuha ng RED Images.

Ipinaabot din ng dalaga ang kaniyang pagbati sa iba pang mga graduate mula sa Arellano University. “Congrats din sa lahat ng mga kapwa niya grumaduate sa Arellano,” pagtatapos ni Kiray.

Imahe mula sa Instagram | Stephan Estopia

Samantala, sa kaniyang Instagram story ay nag-post naman si Stephan ng larawan ng cake na ipinadala sa kaniya ni Kiray. “‘Yong paggising mo, may pa-ganiyan na surprise na, kahit nasa taping siya. Thank you, mommy. I love you very much, mommy @kiraycelis,” saad sa post ni Stephan.

Kasalukuyang nasa taping ng romantic comedy series ng GMA na Owe My Love si Kiray.

Nitong Hunyo lamang ay ibinahagi ni Kiray na pareho silang hindi maganda ang pinanggalingang relasyon ni Stephan kaya natutunan niyang ‘wag matakot na muling tumaya sa pag-ibig.

“Por que napunta ka sa maling tao, hindi ibig sabihin noon ay maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa. Lahat ng lungkot mo, may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa kasi nasa tamang tao ka na,” aniya.

Loading…