Bidding sa mga proyekto ipakikita ng DPWH sa publiko via livestreaming

Imahe mula sa Facebook account ni Mark VIllar
  • Para iwas iregularidad, bidding process sa mga proyekto ila-livestream ng DPWH
  • Iniutos ni Sec, Villar na i-broadcast sa social media o official website ang mga importanteng impormasyon hinggil sa procurement process ng infrastructure projects
  • Binalaan naman ni Sen.Bong Go ang mga public officials na sangkot sa ghost projects sa DPWH

Puwede nang masaksihan ng publiko ang bidding sa mga proyekto dahil ipakikita ito ng Department of Public Works and highways (DPWH) sa pamamagitan ng online streaming.

Imahe mula sa SovereignPH

Ipinag-utos ni DPWH Secretary Mark Villar na i-livestream sa mga social media platforms o kaya ay sa official website ng ahensya ang procurement process sa layuning maiwasan ang mga iregularidad.

Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng government agencies na i-post online ang mga impormasyon sa procurement process.

“In the past, we are concentrated on the duly authorized observers and engagement of accredited civil society organizations as monitors of the procurement proceedings, this livestreaming efforts create the feeling for any interested people of being there”, sabi ni Secretary Villar.

Sa ilalim ng Department Order 105 na inisyu ni Sec. Villar, kailangang tiyakin ng lahat ng implementing offices ang transparency sa procurement ng infrastructure projects sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media o official website ng mga impormasyon tulad ngmga sumusunod: project name; approved budget para sa kontrata; contract period; pangalan ng winning bidder at official business address nito; halaga ng awarded contract; date ng award at acceptance, at implementing office, unit, division o bureau.

Imahe mula sa DPWH

Samantala, nagbabala si Senator Bong Go na pananagutin ang sinuman na mapatutunayang sangkot sa mga ghost projects sa DPWH.

“Tuluy-tuloy po iyan, pinapasilip na po ni Pangulo ‘yung mga ghost projects.  Pinapasilip n’ya dito sa mega task force, pinapa-audit niya po ang lahat ng mga, ‘ika nga, kung mayroong mga ghost project, at mananagot po ang dapat managot.  Tuluy-tuloy po ‘yan,” anang senador.

Aniya, ang sinumang hindi makasusunod sa polisiya ng Pangulo laban sa katiwalian ay tiyak na sisibakin, kakasuhan at ipakukulong.

Pinuri naman niya si DPWH Sec. Mark Villar sa ginagawa nitong pagsisiyasat ng katiwalian sa ahensya.

Imahe mula kay Sen. Bong Go
Source :

DPWH, Inquirer

Loading…