Bilang ng COVID cases sa bansa sumampa na sa mahigit 400,000

Imahe mula sa COVID-19 World News
  • Sumampa na sa mahigit 400,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Miyerkules
  • Nakapagtala ng panibagong 1,672 infections ang DOH nitong ika-11 ng Nobyemre na mas mataas nang kaunti nang nakaraang araw
  • Sa pagtataya ng OCTA, papalo sa hanggang 440K ang COVID cases sa bansa sa pagtatapos ng Nobyembre

Pumalo na sa mahigit 400,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng karagdagang 1,672 infections ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Nobyembre 11.

Sa kabuuan, umabot na sa 401,416 ang bilang ng dinapuan ng coronavirus sa bansa; 362,217 o 90.2% nito ay gumaling habang 31,489 (7.8%) naman ang nanatiling aktibo.

Imahe mula sa DOH – Facebook

Samantala, umakyat na rin sa 7,710 ang bilang ng mga hindi pinalad matapos mahawaan ng virus.

Sa mga probinsiya at lungsod, Cavite ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ngayong araw (100), na sinundan ng Davao City (99), Quezon City (81), Batangas (78) at Baguio (70).

Mas mataas ang naitalang bilang ng COVID cases ngayong araw kumpara kahapon, Nobyembre 10, na mayroong 1,347 lamang.

Nauna nang sinabi ng OCTA Research Team ng UP na bumaba ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 5% na lamang na itinuturing na ‘ideal’ umano ayon sa pamantayan ng World Health Organization (WHO).

Imahe mula sa DOH

Ito ay higit na mas mababa sa naitalang positivity rate noong huling linggo ng Setyembre na umabot sa 8% pa.

“It must be noted that the World Health Organization recommendation is that the positivity rate remains below 5% for at least two weeks before governments consider reopening,” ayon sa OCTA.

Nasa pagtataya ng research team na posibleng umabot sa 425,000 hanggang 440,000 ang bilang ng kaso ng COVID sa bansa sa katapusan ng Nobyembre.

Loading…