Rider na nahablot ang selpon tinuloy ang trabaho; grasya bumuhos

Image by Mas Ermieyati Samsudin via Facebook | Heidy Imt via Facebook
  • Grab rider na na-snatch ang cellphone, inunang ituloy ang trabaho
  • Pumukaw ang kuwento niya sa social media at napansin pa ng isang mataas na opisyal
  • Nakatanggap ang rider ng brand new cellphone at iba pang regalo

KUALA LUMPUR, Malaysia — May mga manggagawa na kapuri-puri ang dedikasyong inilalaan sa pagtatrabaho at nang mapagsilbihan nang maayos ang mga customer. Kagaya na lamang ng isang Grab driver na binabansagang “selfless” yamang itinuloy pa ang pagde-deliver ng pagkain sa customer kahit na na-snatch ang cellphone. Professionalism ang tawag diyan. Ang ginawa niyang ito’y nakatanggap ng maraming reward.

Image by GrabFood via Facebook

Pagkukuwento ni Heidy Imt sa Facebook, naganap ang pangyayari nang makita nila ng kaibigang nag-order sa Grab app na ang rider na magde-deliver ng kanilang order ay bumalik sa lugar ng pinag-oorderan. Inakala nila na mali siguro ang nakuhang order pero laking gulat nila nang dumating ito samantalang ibang lugar ang nakasaad sa app na kinaroroonan nito.

Dahil dito, napatanong ang kaibigan kung bakit naroon na siya sa kanila samantalang ibang lokasyon ang nasa app na kinaroroonan nito.

Nagpaliwanag ang rider na si Muhammad Hilmi bin Othman at sinabing na-snatch ang kanyang selpon nang malapit na sa lugar.

Dagdag ng rider, sa halip na pumunta sa police station ay kagyat siyang lumapit sa isa sa mga guwardiya na nasa lugar at nakiusap na gumamit ng telepono at tinawagan ang Grab center para tanungin ang address ng customer.

Nag-trending ang ginawa ni Muhammad at nakarating kay Deputy Minister of Entrepreneur Development Malaysia YB Mas Ermieyati Samsudin na na-impress sa ginawa ng manggagawa.

Image by Mas Ermieyati Samsudin via Facebook

Pinuri ng Deputy Minister ang determinasyon ng rider para hanapin ang lugar ng customer kahit na wala na ang kanyang selpon. Ang sinseridad ng lalaki aniya ang nagpapatunay na may dakilang puso ang kanilang mga kababayan kahit sa mahirap na sitwasyon.

Dahil sa inspirasyong dala ng kuwento ng rider, nakatanggap siya ng bagong cellphone mula sa isang netizen, financial assistance mula sa Deputy Minister, donations mula sa iba pa, mga voucher ng Grab Food, at free sets of meals sa isang dessert bar.

Image by Mas Ermieyati Samsudin via Facebook

Loading…