Birthday message ni KC sa amang si Gabby: “I love you, to the handsomest of them all!”

Imahe mula sa Balita.com
  • May emosyonal na mensahe si KC Concepcion para sa kaniyang amang si Gabby na nagdiriwang ng kaarawan
  • Pinuri ni KC ang ama at tinawag niya itong ‘handsomest of them all’
  • Isinalarawan rin ng aktres ang pagiging malapit niya sa kaniyang daddy

Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ni KC Concepcion para sa kaniyang amang si Gabby na nagdiriwang ng ika-56 kaarawan ngayong Biyernes, November 5.

Sa kaniyang Instagram account, pinuri ni KC si Gabby bilang isang supportive na ama na laging naniniwala sa kaniyang kakayahan.

Screenshot mula sa Instagram ni KC Concepcion

“Happy happy birthday to my father full of heart and passion, who watches out for me and keeps me alert and active like a big brother would. You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new,” anang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating mister na si Gabby Concepcion.

Kalakip din ng mensahe ni KC ang isang throwback picture nilang mag-ama noong siya ay baby pa lamang.

Inilarawan ng aktres ang relasyon nila bilang mag-ama at kung paano siya laging ginagabayan ng dating matinee idol.

“Sometimes people overestimate my independence but I’ll always need a man like you by my side who can teach me things no one else would. I’m so glad we get this time to stay close, even if you tease me about liking fancy things,” patuloy ni KC.

Imahe mula sa Instagram ni Gabby Concepcion

Hindi rin nakalimutang purihin ni KC ang tikas at gandang lalaki ng kaniyang tatay na tinawag niyang ‘handsomest of them all’.

“You always keep me down to earth, taking me outdoors- barefoot whenever possible- just enjoying the simplest joys in life!!! I love you, to the handsomest of them all! Papa happy birthday!!!” pagtatapos ng post ng aktres.

Si KC ang nag-iisang anak ni Gabby kay Sharon subalit mayroon pa siyang ibang supling sa ilang babaeng nakarelasyon niya noon.

Loading…