Bistado! Unan na ibinebenta sa halagang P50, gamit na face masks pala ang laman

Image by Jovelyn Sarmiento Gabelo via Facebook
  • Unan na ibinebenta sa murang halaga, used face masks ang laman
  • Maliban sa posibleng carrier ng COVID-19 ang gumamit sa masks, kailangan talagang maitapon ang gamit na face masks dahil sa mga chemical at ingredients nito
  • Pinapayuhan ang mga mamamayan na maging mapagmatyag

Maging mapanuri sa ating mga binibili. Hindi porke’t mura ang presyo ay kaagad nang bibili. Mas makabubuting suriin muna para hindi mapahamak ang pamilya.

Image by Jovelyn Sarmiento Gabelo via Facebook

Marami ang nahikayat na bumili ng unan na ibinebenta ng maglalako na umiikot-ikot sa mga bahay-bahay kamakailan dahil sa murang presyo nito. Kaya lamang, nadiskubre ng mga customer kalaunan na hindi pala bulak o foam ang laman nito, kundi mga gamit na face masks. Ang unan na binili ng isang residente, pambata pa!

Maliban sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 kung carrier ang gumamit nito, ikinukonsidera na hazardous waste ang used face masks at kailangang maitapon dahil sa mga chemical at ingredients na sangkap nto.

Pagbabahagi ni Jovelyn Sarmiento Gabelo, “Maging aware po tayong lahat sa mga bumili ng unan sa halagang 50 pesos sa mga naglalako diyan. Ang laman po ng unan ay mga gamit na face mask! Maraming sakit po ang makukuha natin dito. Isa na ang COVID-19.”

Ani Gabelo, napabili silang magkakapitbahay sa Barangay Uno Extension, Carmona, Cavite.

Pareho rin ito sa post ni LC Bubot sa FB Group na Buhay Zero Waste. Saad niya, “Hello good day! Nakita ko lang. Repurposing of face masks? Okay sana ‘yung idea, basta siguro na-disinfect/nalabahan naman ‘yung mga face masks. Any thoughts on this?”

Image by Jovelyn Sarmiento Gabelo via Facebook

Komento ng isa, “‘Yan na nga ginagawa ng ibang tao tapos binebenta nila. Trending ‘yan ngayon dito sa Sta. Rosa, Laguna at Carmona, Cavite, ‘yung mga naglalako na nagbebenta ng unan na umiikot-ikot sa mga bahay-bahay. Pagbukas ng nakabili, ayan pala ang laman. Kaya ingat ‘yung mga nakabili ng unan sa tiangge at naglalako sa daan. Used face masks po ng ibang tao ang laman.”

Sa iba pang reaksyon, “The very reason why they were labeled as disposable face masks is because they are supposed to be disposed after using. Do not sacrifice your health just because you are so desperate to recycle.”

Image by LC Bubot via Facebook

Loading…