Blue clear folder na napagkamalang swimming pool kinaaliwan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang larawan
  • Nakahihikayat kasi sa mga mata ang “asul na tubig” sa swimming pool
  • Hindi pala ito swimming pool kundi isang blue clear folder

Marami sa mga “ganap” na nakasanayan nang gawin ng lahat, na hindi na nagawa lalo na noong nagsimula ang community quarantine, ay ang paglangoy sa mga swimming pool. Bilang pagtalima sa mga health restrictions, pansamantala muna itong ipinagbawal.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawang ibinahagi ng nagngangalang “Lowe” sa kaniyang Facebook post. Sa biglang tingin, tila ito isang resort. Nakahihikayat ang mangasul-ngasul na kulay ng tubig sa swimming pool. Subalit, hindi pala ito ang swimming pool na inaasam-asam ng nakararami, lalo na ang mga atat na ata nang maglunoy at mag-enjoy sa labas!

Imahe mula sa Facebook account ni Lowe / Public Domain Image

“Ok lang ‘yan kapatid. Plastic folder lang ‘yan, alam ko swimming na swimming ka na,” sabi sa caption.

At kung pakatititigan ngang mabuti, ang nasa larawan ay isang asul na clear folder na nakalapag sa mesa. Sa ilalim nito ay mga puting papel, na naging ilusyon na tila hagdan o steps sa ilalim ng tubig. Ang tila couch naman ay isang makalumang “Nokia” cellphone na may keypad.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha. Akala ko talaga swimming pool sa isang resort, iyon pala blue clear folder lang pala! Nadaya ako ro’n ah,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo nga no? Galing ng photographer! Tawang-tawa ako hahahaha. Sa biglang tingin, aakalain mong resort. Wow mali!”

“Mind blowing! Hahaha. Kung hindi ko nabasa yung caption, aakalaing swimming pool nga!” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Lowe / Public Domain Image

Kung gustong-gusto mo na talagang lumangoy, bukas na ang isla ng Boracay at maging ang Siargao na tinaguriang “Surfing Capital of the Philippines” sa mga lokal na turista; basta’t susundin lamang ang mga health protocols upang mapigilan na ang paglaganap ng COVID-19.

Source :

Facebook

Loading…