Buwelta ni Korina sa netizen: Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?

Image by Korina Sanchez via Instagram
  • Korina Sanchez sumagot sa mga komento ng netizens kaugnay sa pagbati niya kina Biden at Harris
  • May isa pa kasi na inakusahan ang broadcaster na nagpa-plastic surgery
  • Sagot niya dito: Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?

Hindi napigilan ng batikang mamamahayag Korina Sanchez ang sarili at muling sumagot sa mga netizen lalo na sa mga personal ang naging atake sa kanya makaraang mag-post ng pagbati kina President-Elect Joe Biden at Vice President-Elect Kamala Harris ng Amerika. Ani Korina sa pagbati, “A new day in America. A new day in the world. Welcome back.”

Image by Korina Sanchez via Instagram

Kung marami ang mga sumuporta ay marami rin ang hindi nasiyahan sa bati partikular ang mga tagasuporta ng kasalukuyang US President Donald Trump. Personal na akusasyon pa ang binanggit ng isa, “Korina, bakit ka binitiwan ni Noynoy? Dahil ba sa plastic surgery ng face mo after your car accident?”

Matindi rin ang sagot ng broadcaster, “Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?”

May nagwika pa na hindi raw taga-US si Korina kaya’t huwag basta-basta mag-comment at pinayuhan pa siyang magsuri muna bago mag-post, “‘Wag na lang kayo mag-comment kung hindi kayo nakatira dito sa US. Alamin n’yo ang agenda ng Democrats and Republicans. Alamin n’yo rin ang accomplishments ni Trump, Biden, Pence and Harris ano po? ‘Yon lang.”

Ani naman ni Korina, “Ah hindi po ako BOBO. ‘Yan ang gusto ko respetuhin mo din noh! Please leave. BRUHA KA.”

Image by Korina Sanchez via Instagram

Komento pa ng iba, “Korina this is the start of the darkest time in America, we are entitled to our opinion but please be sensitive to other people.” Sagot ng mamamahayag, “Well then you be sensitive to mine too right?”

Ang iba naman ay sumuporta sa TV5 host, “Natural lang ‘yan Korina, galit ang kampo ni Trump. Sorry na lang weather weather lang ‘yan. You had your time which is already closed for now. Congratulations Biden & Kamala and good luck.” “Korek” ang reaction ni Korina.

Image by Korina Sanchez via Instagram
Source :

Inquirer, PEP

Loading…