Cashless toll payment ‘di pa dapat ipatupad hangga’t hindi interoperable ang Easytrip at Autosweep RFID

Imahe mula sa Auto Deal
  • Cashless toll collection scheme na nakatakdang ipatupad sa December 1 hiniling na ipagpaliban
  • Dapat umanong ipatupad ang cashless transactions sa mga expressways kapag compatible na sa isa’t isa ang Easytrip at Autosweep RFID systems
  • Sinabi ni Rep. Wes Gatchalian na magbibigay ng problema sa mga motorista kung ipatutupad ang cashless toll transactions kahit hindi pa interoperable ang tollway system ng magkaibang toll operators

Hinihikayat ni Valenzuela Representative Wes Gatchalian sa Department of Transportation (DOTr) na huwag munang ipatupad ang cashless toll payment hangga’t ang radio frequency identification (RFID) systems ng dalawang toll operators ay hindi pa interoperable o compatible sa isa’t isa.

Imahe mula kay Valenzuela Rep. Wes Gatchalian

“It puzzles me why the DOTr decided to implement a cashless toll collection scheme when Easytrip and Autosweep are not yet compatible with each other’s tollway system,” pahayag ni Rep. Gatchalian.

Aniya, sana ay sa susunod na taon na lang ipatupad ang cashless toll collection scheme.

“Since the government targets to have full interoperability by next year anyway, then we should also consider delaying the implementation of the cashless toll collection until next year,” wika pa ng mambabatas.

Nanawagan siya sa Toll Regulatory Board (TRB) na pansamantalang itigil ang pagpapatupad ng cashless transactions sa tollways dahil magdudulot ito ng problema sa mga motorista na kakailanganing magpakabit at mag-load para sa magkaibang RFID.

“While we fully support the shift to cashless transaction to lessen physical contact to contain the spread of COVID-19, the move should have been carefully planned and coordinated by the two toll operators to ease the burden of consumers to apply for and load up two different RFID cards,” aniya.

Imahe mula sa The Philippine Business and News

Ang Autosweep RFID ay magagamit lang sa mga San Miguel Coropration-operated tollways na South Luzon Expressway (SLEX), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX), Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX), STAR Toll at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Ang Easytrip RFID naman ay magagamit lang sa mga Metro Pacific Toll Corporation-operated tollwyas na North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (CAVITEX), C-5 South Link, Skyway at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Ang cashless toll collection scheme ay nakatakdang ipatupad sa December 1 ngayong taon. Ang mga motoristang papasok sa mga expressway nang walang RFID stickers ay pagmumultahin.

Imahe mula sa Autoindustriya
Source :

Inquirer, PageOne

Loading…