CebuPac nakapag-refund na ng P2.7B sa kanseladong flights dulot ng COVID-19

Image by Cebu Pacific via Instagram
  • Cebu Pacific, nakapag-refund na ng P2.7-billion sa mga customer na kanselado ang flights dahil sa pandemya
  • Humingi sila ng paumanhin sa delay sa pag-refund
  • Gumagawa sila ng aksyon para makapag-raise ng dagdag-kapital at makarekober sa epekto ng pandemya

Nakapag-refund na ng kabuuang P2.7-billion noong November 5, 2020, ang airline company na Cebu Pacific para sa mga customer nito na kanselado ang flights dahil sa COVID-19 pandemic; ito ang nasabi ng kompanya sa isang pahayag.

Image by Cebu Pacific via Instagram

Kasabay nito, ipinahayag rin nila na patuloy pa rin ang pagpoproseso sa iba pang refund requests mula sa iba pang customer.

“Cebu Pacific (CEB) continues to process a high volume of refund requests due to COVID-19 related flight cancellations. We have refunded an additional PHP 300 million since our last update, for a total of PHP2.7 billion, and are currently processing refund requests filed in June.”

Nakiusap ang kompanya sa mga customer na intindihin ang delay sa refund. “We understand how difficult this situation is for everyone, and we sincerely apologize for the delay.”

Habang paunti-unti umanong bumabalik at nagre-reshape ang industriya ng aviation sa new normal, asahan na ang mga refund ay maaaring umabot ng hanggang anim na buwan mula noong nagpasa ng request.

Sinabi naman nila na nananatili silang fully committed para maresolba ang mga pending sa pinakamabilis na oras at ang mga update ay ibibigay sa mga customer kapag naproseso na ito.

“We are continuously enhancing our processes for a better overall customer experience. Thank you, everyJuan, for your support in this unprecedented and challenging time,” ang sabi ng Cebu Pacific.

Image by Cebu Pacific via Instagram

Samantala, patuloy na gumagawa na ng aksyon ang kompanya para makapagbigay ng affordable at accessible na transport services sa pamamagitan ng pag-raise ng panibagong kapital.

Matatandaang sinabi nila noong nakaraang buwan ang plano na makapag-raise ng dagdag $500-million o tinatayang P25-billion na kapital para lalo pang palakasin ang posisyon nito para makarekober sa epekto ng pandemya.

Image by Cebu Pacific via Instagram

Loading…