Christmas bonus ng government workers matatanggap simula ngayong linggo

  • Christmas bonus ng mga government employees, matatanggap na simula November 15, 2020
  • Katumbas ito ng isang buwang sahod at karagdagang P5,000.00 cash gift
  • Pinakiusapan ang mga private sector employers na maaga ring magbigay ng bonus sa mga empleyado

Pupuwede nang matanggap ng mga empleyado ng gobyerno ang kani-kanilang mga Christmas bonus na katumbas ng isang buwang sahod at karagdagang P5,000.00 cash gift simula November 15, 2020. Ito ay ayon kay House Committee on Public Accounts Chairman Rep. Mike Defensor.

Imahe mula Facebook- Rep. Mike Defensor

“And since this week’s payday falls on Sunday, the bonus could be advanced as early as Thursday for personnel on a four-day workweek, or Friday for those on the usual five-day work schedule, or on Monday,” sabi nito.

Ani Defensor, nakasaad sa Republic Act 11466 o Salary Standardization na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte Enero ngayong taon na ang pamamahagi ng year-end bonus sa mga goverment workers ay magaganap tuwing Nobyembre.

Saad pa ng solon na karamihan sa mga government agencies noong nakaraang taon ay namahagi ng bonus sa kalagitnaan ng Nobyembre kaya’t, aniya, “I am assuming that the budget secretary has released the funds needed for the payment of the government workers’ Christmas bonus and P5,000.00 cash gift.

Maliban sa mga trabahador ng national government agencies, kasama rin sa mabibigyan ng bonus ang mga nagtatrabaho sa mga state corporations at local government units. Hindi ito applicable kay Pangulong Duterte, mga senador at kongresista yamang hindi sila pupuwedeng maging benepisyaryo ng batas na sila ang may gawa.

Umapela si Defensor sa private sector employers na maaga rin silang magbigay ng bonus at matatawag umanong “gesture of compassion” kapag maibibigay ito bago ang December 25.

Inabisuhan niya ang mga maagang makatatanggap ng Christmas bonus na maaga ring mamili para maiwasan ang dagsaan ng mga tao at matinding trapik.

Batay rin sa RA 11466, ang civil servant na may pinakamababang sahod sa ngayon ay kagyat na magiging P11,551.00 hanggang P12,244.00 na ang pay depende sa tagal sa serbisyo at tataas pa ito sa 2023.

Imahe mula sa Nikkei Asian Review

Loading…