Magkasintahan nilibre ng KFC meal ang “less fortunate kids” sa labas ng fastfood chain

Image capture from video by Samuel Lee Wui Phung via Facebook
  • Magkasintahan nilibre ng KFC meal ang dalawang less fortunate na bata
  • Makikita naman ang kagalakan ng dalawang bata na napa-thumbs up pa
  • Ani Samuel Lee Wui Phung, “The moment when you see this true reaction from the less fortunate kids. I’m speechless”

Sino ba naman ang hindi maaawa sa kalagayan ng mga less fortunate kids na nakabantay sa gilid malapit sa mga restaurants at fastfood chains? Nakikita nila ang mga customer na masayang kumakain sa loob samantalang sila ay nagugutom.

Image capture from video by Samuel Lee Wui Phung via Facebook

Humakot ng papuri kamakailan ang kabutihang loob ng magkasintahan makaraan nilang mapagdesisyunang bilhan ng KFC meal ang dalawang bata na nakaupo malapit sa fastfood chain. Sa closeness ng dalawang bata ay malaki ang posiibilidad na magkapatid ang mga ito.

Makikita ang kagalakan ng dalawa nang matanggap ang masarap na pagkain mula sa may mabuting loob, napa-thumbs up pa sila nang makitang kinukunan sila ng video.

Pagkukuwento sa Says ni Samuel Lee Wui Phung, may-ari ng isang car repair garage at sneaker shop, naganap ang pangyayari noong November 1, 2020, dakong 2:30 ng hapon.

“I saw the kids and they look like they are homeless or pendatang asing tanpa izin (PATI). I don’t know lah what is their status. So I decided to give them money.”

Dagdag pa nito, “At first, I give them RM3 only. I see the brother and sister counted the money so happily, then I took [my phone out] to record the ‘moment’.”

Makaraan nito’y muling pumasok ang kanyang girlfriend sa loob ng KFC outlet at bumili ng isang set ng dinner plate combo na naglalaman ng fried chicken, rice at inumin.

Image capture from video by Samuel Lee Wui Phung via Facebook

“The moment when you see this true reaction from the less fortunate kids. I’m speechless,” ang wika pa ni Samuel.

Nag-viral ang video na mayroon nang higit 5,900 reaksyon, nasa 1,800 pagbabahagi at tinatayang 400,000 panonood habang ipino-post ito. Komento ng isa, “May God bless you, my brother. Thanks for helping those in need.”

Saad naman ng isa pa, “May God bless you, my brother. Thanks for helping those in need.”

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Source :

Facebook, Says

Loading…