Coverage sa bagyong Rolly, Siony patuloy na ihahatid ng GMA News, ayon sa TV Network

Image by GMA News TV/DzBB/24 Oras via Facebook
  • GMA Network, tuloy ang coverage sa mga bagyong Rolly at Siony
  • Naglalabas ito ng news bulletins at flash reports sa buong araw, maliban pa sa regular news programs
  • Matatandaang nag-trending ang GMA News TV sa Twitter dahil sa pag-eere ng entertainment programs sa gitna ng bagyo

Sinabi ng pamunuan ng GMA Network na patuloy ang kanilang coverage kaugnay sa pananalasa ng mga bagyong Rolly at Siony. Ito’y makaraang mag-trending ang TV station sa pag-eere ng entertainment shows sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

Image by DZBB via Facebook

Pahayag ng network sa press release, naglalabas ang Kapuso channel ng mga news bulletins at flash reports sa buong araw para makapagbigay ng napapanahong update; maliban pa ito sa mga regular news programs.

Sa GMA ay mapapanood ang Unang Hirit sa umaga para sa mga ulat mula mismo sa mga lugar na naapektuhan samantalang ang mga pinakamalalaking balita at kasalukuyang sitwasyon ay ini-eere sa 24 Oras. Mayroon pang late night newscast na Saksi.

Samantala, sa GMA News TV ay nariyan ang Balitanghali para sa mga ulat mula sa mga news reporters at stringers at ang Quick Response Team (QRT) sa hapon. Mapapanood din sa istasyon ang simulcast ng 24 Oras at evening news program na State of the Nation (SONA) with Jessica Soho.

Gayundin umano ang 24-hour coverage ng Super Radyo DZBB via “Bantay Bagyo.” Ang mga programa ng radio station ay available din sa mga social media accounts at Radio GMA stations nationwide.

Image by DZBB via Facebook

Tuloy rin, nakasaad sa release, ang round-the-clock update sa pamamagitan ng GMA News Online at social media accounts ng GMA News and Public Affairs, Super Radyo DZBB at disaster and emergency preparedness portal na IMReady.

Matatandaang umani ng pagpuna mula sa netizens ang pagpapalabas ng GMA News TV ng mga entertainment shows sa halip umanong magsagawa ng full coverage ukol sa typhoon.

May mga dumepensa sa network at nagsabing naglalabas naman ito ng news bulletins at flash reports para updated ang mga manonood.

Image by GMA News TV via Facebook
Source :

PEP, GMA News

Loading…