COVID-19 cases sa Metro Manila tumaas ng 6%, pero reproduction number mas mababa sa 1

Imahe mula sa SCMP
  • Tumaas ng 6% ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Metro Manila
  • Siyam na local government units sa rehiyon ang nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng infections
  • Sa kabila ng pagdami ng new cases ng COVID-19, nananatiling below 1 ang reproduction number ng virus

Nakapagtala ng anim na porsyentong (6%) pagtaas sa bilang ng bagong COVID-19 cases sa Metro Manila, subalit ang reproduction number ng coronavirus ay nananatiling mas mababa sa 1, ayon sa eksperto mula sa University of the Philippines OCTA Research Group.

Imahe mula sa SMC

Ang reproduction number ay tumutukoy sa inaasahang bilang ng taong maaaring mahawahan ng isang infected person. Kapag ito ay mas mababa sa 1 ang ibig sabihin ay flattened na ang curve, sabi ni Professor Guido David.

Aniya, ang reproduction number ngayon sa Metro Manila ay nananatiling .83 sa kabila ng pagtaas ng bilang ng new infections.

Siyam na local government units sa Metro Manila ang nakaranas ng pagtaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 mula November 17 hanggang November 23. Ito ang Caloocan, Quezon, Marikina, Mandaluyong, Makati, Parañaque, Pasay, Navotas at San Juan.

Ang pagtaas ay posible umanong sanhi ng delayed results ng COVID-19 testing mula sa ilang health centers dahil sa nagdaang bagyong Ulysses.

“Hindi naman lahat ng LGUs nagkaroon ng increase, so ang mga possible explanations niyan ‘yong sa evacuation sa typhoon—not necessarily related sa evacuation mismo, pero it’s possible na may delayed result because during the typhoon may mga ibang health centers na nagsarado, so medyo late ‘yong pagdating ng reports nila so that is one possible explanation,” ani Prof. David.

Imahe mula sa PNA

Posible rin umanong nagkaroon ng transmission sa mga evacuation centers dahil hindi nasunod ang mga health protocols dahil sa mga bahang nangyari.

Maaari rin naman daw na ang new cases ng mga infections ay dahil maraming tao na ang nakalalabas at medyo naging kampante na ang marami kaya’t ipinaalala ni Prof. David na ang bumababang reproduction number ay maaaring magbago kaya kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat. Kung magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ay dapat na raw tayong maalarma.

Screenshot mula sa GMA video
Source :

MSN, Manila Times

Loading…