COVID-19 positivity rate sa Metro Manila patuloy na bumababa

Screenshot mula sa GMA video
  • Patuloy na bumababa ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila
  • Ayon sa OCTA Research group bumaba na ito sa 6% na malapit sa target ng WHO na 5% para tuluyang matapos ang pandemya
  • Payo ng OCTA, hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko sa pagsunod sa mga health protocols

Patuloy na bumababa ang COVID-19 positivity rate sa buong Metro Manila o ang porsiyento ng mga nagpopositibo sa mga taong tinesting  para sa COVID-19. Ito ay ayon sa pahayag ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon sa grupo, bumaba ito sa 6%. Malapit umano ito sa target ng World Health Organization (WHO) na 5% upang tuluyan nang matapos ang COVID-19 pandemic.

“The positivity rate for the NCR continues to trend in the right direction at six percent, which is now close to the WHO target of five percent,” pahayag ng OCTA Research experts.

Ang average number ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay nasa 490 na lang kada araw.

Sinabi rin ng grupo, na kinabibilangan ng mga researchers mula sa University of the Philippines, University of Santo Tomas at Providence College sa Estados Unidos, na ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 infection sa Pilipinas ay bumababa na rin kahit ipinagpapatuloy na ng Philippine Red Cross ay ginagawa nilang testing.

Bumaba na sa 1,800 ang average number ng new cases ng COVID-19 sa Pilipinas kada araw. Malaking improvement ito kumpara sa 2,500 noong Agosto.

Screenshot mula sa GMA video

Sa kabila ng magandang balitang ito, sinabi ng grupo na hindi pa rin dapat magpakakampante ang publiko sa pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols.

Ang Makati at Malabon sa Metro Manila; Baguio City, Itogon at Tuba in Benguet; Lucena sa Quezon; Iloilo City; Catarman sa Northern Samar at Pagadian sa Zamboanga del Sur ay nanatiling high risk areas, ayon pa rin sa OCTA Research group.

Source :

Philstar, ABS-CBN

Loading…