COVID-19 vaccination para sa mga Pinoy posibleng simulan sa May 2021

Imahe mula sa Pixabay
  • COVID-19 vaccination para sa mga pinoy posibleng masimulan sa May 2021
  • Depende raw ito sa supply and demand para sa COVID-19 vaccine
  • Posibleng 1.4 billion lang ang magagawang vaccine ngayong 2020, pero higit pa riyan ang demand ng malalaking bansa
  • Ang apela ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa WHO ay bigyan ang Pilipinas ng equitable access sa COVID-19 vaccine

Inanunsyo ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na posibleng masimulan ang pagbabakuna sa mga mamamayan bilang proteksyon sa SARS-CoV-2 sa May 2021. Ito ay kung walang magiging aberya sa supply ng COVID-19 vaccine.

Screenshot mula sa PTV video

Ani Sec. Galvez, plano ng pamahalaan na umorder ng 24 million vaccines sa loob ng first quarter ng 2021. Ang initial batch ng bakuna ay gagamitin sa mga frontliners, mga mahihirap at vulnerable sector.

Ang pagbabakuna ay dedepende raw sa “financing, development at approval” ng COVID-19 vaccine.

“If everything will go well, ang mangyayari po is earliest is May,” pahayag ni Sec. Galvez.

Batay umano sa presentasyon na ginawa ng World Bank sa ating bansa, humigit-kumulang 1.4 billion vaccines ang magagawa bago matapos ang taong 2020, pero ang demand ng malalaking bansa ay mahigit pa riyan. Kaya ang panawagan ni Sec. Galvez sa World Health Organization (WHO) ay mabigyan ng equitable access ang Pilipinas sa bakuna.

“Before end of 2020, ang presentation sa atin ng World Bank, more or less, 1.4 billion lang ang mapo-produce ng vaccines “Sa ngayon, so far, ang demand ng big countries ay more than that. Talagang magkakahirapan tayo sa demand and supply kaya we’re appealing to the WHO na bigyan ng equitable access,” aniya.

Imahe mula sa CGTN

Sinabi pa ng vaccine czar na may nakahanda nang vaccine roadmap ang bansa na naghihintay na lang ng approval mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

At kapag aprubado na iyon, agad umanong makikipagpulong ang pamahalaan sa vaccine expert panel, na kinabibilangan ng vaccine experts, technical experts at mga scientists upang ihanda ang national immunization program.

 

Source :

PNA, ABS-CBN

Loading…