CPP-NPA-NDF kumokolekta umano ng higit P200 million kada taon sa Smart at Globe; netizens nag-react

Screenshot mula sa video ng Senate hearing kaugnay ng red-tagging
  • Mga netizens nag-react sa isiniwalat ng isang ex-NPA cadre hinggil sa CPP-NPA-NDF
  • Ibinunyag ng isang “Ka Eric” na kumokolekta sa Smart at Globe ng higit P200 million kada taon ang grupo
  • Nagkomento si Sen. Lacson na “open secret” ang isiniwalat ni “Ka Eric”

Hindi napigilan ng ilang netizens ang mag-react sa mga isiniwalat ng isang “Ka Eric” hinggil sa diumano ay pangongolekta ng CPP-NPA-NDF ng milyon-milyong “buwis” mula sa dalawang telecommunications companies (telcos) na Smart at Globe kada taon.

Screenshot mula sa video ng Senate hearing kaugnay ng red-tagging

Sa isinagawang hearing sa senado tungkol sa red-tagging, ibinunyag ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, na nagpakilalang dating miyembro ng NPA, ang mga nalalaman niya hinggil sa mga aktibidad ng mga grupong komunista.

“Ano ang kapabilidad ng CPP-NPA-NDF? They cannot overthrow the government but they can make Smart and Globe pay P200 million more every year…combined,” siwalat ni Celiz.

Ibinunyag rin niya na kumokolekta rin ito ng 2%  na“buwis” mula sa mga triple A contractors na gumagawa ng airports, seaports at iba pang malalaking proyekto.

Kinatigan naman ni Senator Panfilo Lacson ang rebelasyong ginawa ni Celiz.

“I’m telling you that’s an open secret,” anang senador.

Ayon pa kay Celiz, umaabot sa 50% ng buong koleksyon ng CPP-NPA-NDF ay napupunta sa CPP founder na si Joma Sison na nasa Netherlands.

Screenshot mula sa video ng Senate hearing tungkol sa red-tagging

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa isiniwalat ni Celiz:

“Kasuklam-suklam. Tapusin na ‘yang pahirap sa bayan ng mga CPP-NPA-NDF para umasenso at matahimik na rehiyon sa Pinas.”

“Kaya mahal singil ng Globe at Smart, pinapasa din kasi nila sa tao ‘yung na-extort sa kanila ng NPA. Hay naku talaga.”

Nagkomento rin si Senator Tito Sotto sa ipinahayag ng ex-NPA cadre. Aniya, iyon pala ang dahilan kung bakit mas pinipili ng mga telcos na magpatayo ng cell tower sa loob ng mga kampo militar.

Screenshot mula sa video ng Senate hearing tungkol sa red-tagging
Source :

PTN, YouTube

Loading…