
- Dalawang barko ang halos magkasunod na suma
dsad sa kalagitnaan ng pananalasa ni ‘Ulysses’ - Unang napaulat na inano
dang isang motor tanker sa Navotas City na tumama sa R10 Bridge at ikinasirang tulay - Kasunod nito ay isang barko rin ang suma
dsad sa may bahagi ng MOA sa Pasay City na ikinasira naman ng seawall
Dalawang barko ang halos magkasunod na sumadsad sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong Ulysses nitong Miyerkules nang gabi at Huwebes nang madaling araw.
Unang napaulat na tinangay ng malakas na hangin at malalaking alon ang isang motor tanker sa Ignacio St. sa Navotas City gabi ng Miyerkules habang nasa kalakasan ang ulan sa Kamaynilaan.

Tumama ang M/TRK Bulusan sa isang bahagi ng R10 Bridge na ikinasira nito.
Kaagad namang tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang crew ng sumadsad na barko at pinayuhan nito ang mga tripulante na maghanda ng life-saving equipment habang hinihintay pa ang karagdagang tulong.
Halos kasunod naman nito ay ang pagsadsad ng isang cargo vessel sa may bahagi ng SM Mall of Asia (MOA) sa Lungsod ng Pasay Huwebes nang madaling araw.
Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, tumama sa seawall ang cargo vessel na “Peter Ronna” sa may Jogger’s Walk ng SM-MOA dahil din sa paghampas ng malalakas na alon.
Nasira ang bahagi ng seawall at ipinagbigay-alam kaagad ang pangyayari sa PCG para sa kaukulang aksyon.

Hindi pa matiyak kung mayroong mga tripulanteng sakay ang barko nang mangyari ang insidente.
Tumama ang bagyong Ulysses sa Metro Manila Miyerkules nang hapon na nagdala ng malakas na hangin at ulan.
Ang patuloy na pagbuhos ng ulan sa mga sumunod na oras ay nagdulot ng matinding pagbaha na nagpalubog sa maraming kabahayan lalo na sa lungsod ng Marikina, Las Piñas at Parañaque at ilang bayan sa Rizal.
Hanggang nitong Huwebes nang umaga ay patuloy ang isinasagawang rescue operation sa mga binahang residente ng mga nabanggit na lugar.