Dating Health secretary Janette Garin ipinadarakip daw ng korte kaugnay ng Dengvaxia issue?

Imahe mula sa Philippine News Agency
  • Umugong ang balita na ipinadarakip umano ng Quezon City Regional Trial Court si dating Health sec. Janette Garin kaugnay ng Dengvaxia issue
  • Ayon sa korte, hindi pa nakapagpiyansa si Garin at tatlo pang akusado
  • Nilinaw ni Garin na nagbigay lang ng notice ang korte na hindi pa sila nakapagpiyansa at hindi sila ipinadarakip
  • Sinabi ni Garin na nakapaglagak na sila ng piyansa sa mga korte sa Muntinlupa, Cavite at iba pang korte

Ipinag-utos umano ng Quezon City Regional Trial Court Branch 107 ang pagdakip kay dating Health secretary Janette Garin,  na ngayon ay Iloilo 1st District Representative, at tatlong iba pa kaugnay ng pagkasawi ng dalawang mag-aaral dahil sa Dengvaxia.

Imahe mula sa The Filipino Times

Batay umano sa record ng kaso ay may nakitang probable cause ang korte para maglabas ng warrant sa pagdakip sa lahat ng mga akusado.

Ayon sa korte, habang ang ibang co-accused sa kaso ay nakapaglagak ng piyansa sa Muntinlupa City Metropolitan Trial Court at sa iba pang korte, sina Garin, Stanislas Camart, Jean Louis Grunwald at Jean Francois Vacherand ng Sanofi Pasteur Inc., ang manufacturer ng Dengvaxia vaccine, ay hindi pa umano nagpipiyansa.

Binigyan ni Judge Jose Bautista, Jr. ng apat na araw upang makapag-file ng bail bonds ang apat na akusado mula sa pagtanggap ng mga ito ng order. Itinakda ang arraignment nila sa ika-27 ng Nobyembre, alas-dos ng hapon.

“Jurisdiction having acquired over the persons of these accused, this case is set for arraignment, pre-trial conference and preliminary conference on Nov. 27, 2020 at 2 p.m. The Court is reminding the parties and their counsels the protocol in attending in-court hearings in the Quezon City Hall of Justice. They should wear face mask, face shield, and observe proper physical distancing at all times,” ani Judge Bautista.

Imahe mula sa Abogado

Samantala, itinanggi naman ni Rep. Janette Garin na mayroong utos ang korte na sila ay dakpin.

“This news, yet again, is another attempt to mislead and condition the public’s mind. One paper known for notoriously hitting me first posted it and some local journalists who are just waiting to attack, pounced on the chance to malign me without verifying,” giit ni Rep. Garin.

Nilinaw niya na ang korte ay nagpadala lang ng notice na silang apat ay hindi pa nakapag-file ng bail bonds.

Imahe mula sa Sanofi Pasteur

Sinabi rin niya na siya at ang tatlong Sanofi Pasteur executives ay nakapaglagak na ng bail bonds sa mga korte sa Muntinlupa City, Cavite at iba pang korte.

Ang mga iyon ay dapat daw ikonsidera na nai-file na sa Quezon City court. Handa umano si Garin na magpakita ng kopya ng dokumento ng kanyang bail bond.

 

Loading…