Deployment ng caregivers sa Japan at Israel aarangkada na – POEA

Imahe mula sa Japan OFW
  • May opening na sa Japan at Israel para sa mga caregivers
  • Sa Israel, hindi kailangan ang college graduate samantalang sa Japan ay required ito
  • Ang deployment ng caregivers sa dalawang bansa ay gagawing government-to-government kaya walang babayarang placement fee ang mga aplikante

Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na may opening na para sa mga caregivers sa bansang Japan at Israel.

Imahe mula sa POEA

Sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia na ang deployment ng mga healthcare workers ay gagawing government-to-government kaya walang placement fee na babayaran ang mga nais mag-apply sa nasabing trabaho, subalit may maliit na gastusin sa pagproseso ng ilang dokumento.

Wika ni Olalaia, 500 caregivers ang kailangan sa Israel na may P100,000 buwanang suweldo sa loob ng limang taong kontrata. Sa Japan naman ay 300 ang caregivers na kailangan.

“Meron po tayong opening ngayon. Ito po ‘yung tinatawag naming government-to-government deployment natin papunta po ng bansang Israel. Meron pong 500 tayong pupunan na caregivers po. Maliban po sa Israel, meron din po tayo sa Japan, ‘yung careworkers natin. Ang equivalent nito caregivers din… 300 naman ‘yung pangangailangan po ng Japan, at ito rin po ay government to government deployment po,” ani Olalia.

Screenshot mula sa GMA video

Sa Israel, hindi sinabing college graduate dapat ang aplikante. Kailangan lang daw ng national certification II (NC2) Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagsasabing qualified magtrabaho overseas bilang caregiver at National Bureau of Investigation (NBI) clearance.

“Hindi po sinasabi kung college graduate or what basta po NC2, meron silang nakuha sa TESDA accredited facility na NC2. Pagkatapos meron po silang NBI clearance. And then dapat wala po silang kamag-anak doon sa Israel na pupuntahan po nila at first po nila na pupunta sa Israel,” anang POEA administrator.

Hindi umano maaaring umuwi ang mga caregivers sa Israel hanggang hindi natatapos ang kontrata.

Imahe mula sa TESDA

Sa Japan naman, hindi kailangan ng experience, pero kailangang nakapagtapos ng Bachelor of Science in Nursing ang aplikante. Puwede ring graduate ng ibang kurso, subalit kailangan ng NC2 TESDA certificate na nagsasabing qualified maging caregiver.

Nilinaw ni Olalia na kailangan ding pumasa sa Japanese Language Proficiency Test ang mga applicants.

Imahe mula sa All About Japan
Source :

GMA Network, POEA

Loading…