Derek Ramsay kinumpirmang hiwalay na sila ni Andrea Torres

Imahe mula sa Instagram
  • Hiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres
  • Kinumpirma ito ni Derek nang sumagot siya sa komento ng isang netizen na sinisisi si Andrea sa kanilang breakup
  • Naging usap-usapan ang kanilang hiwalayan nang mapansin ng netizens na burado na ang kanilang couple pictures sa kani-kaniyang Instagram accounts

Kumpirmadong hiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Imahe mula sa Instagram

Kamakailan lamang ay nag-post ng larawan si Derek sa Instagram upang batiin ang ina na nagdiwang ng kaarawan ngunit may isang netizen na nag-iwan ng komento rito na nagbibigay ng kaniyang opinyon sa kumakalat na balita tungkol sa hiwalayan nila ni Andrea.

Sabi ng Instagram user, hindi dapat ituon ang sisi kay Derek dahil nagtatagal naman ang kaniyang mga naging relasyon.

“Ano ba kayo, one year lang sila ni Andrea samantalang ‘yong past niya, six years lahat. Bakit ganoon kadali kay Andrea? Something is wrong with Andrea. ‘Wag ninyo isisi kay Derek lahat ‘yong past six years,” sabi niya.

Sinagot naman ito ng aktor ng kumpirmasyon na break na nga sila ni Andrea ngunit hindi raw dapat sisihin ang aktres sa kanilang naging desisyon. “Please don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman,” sabi ni Derek sa kaniyang komento.

Imahe mula sa Instagram

Wala rin daw third party na naging sanhi ng kanilang hiwalayan. “The breakup has happened so fast. Maybe two people are just not meant to be,” dagdag pa niya.

Hiniling niya rin na sana ay respetuhin ang kanilang privacy.

“Please respect us na lang. We shared our love to all of you. Sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si Ada kaya ‘di ako magsasalita pero if I hear lies about her, I will defend her,” sabi pa ni Derek.

Unang umugong ang usapan tungkol sa hiwalayan ng dalawa nang mapansin ng netizens na burado na ang larawan nila sa kani-kaniyang Instagram accounts.

Source :

Instagram

Loading…