Binalik agad! Babae hindi pinag-interesan ang phone ng iba

Image by Patricia Ellein via Facebook
  • Babaeng pasahero, hindi pinag-interesan ang cellphone na naiwan ng naunang pasahero ng sinasakyang taxi
  • Sinabihan nito ang driver na bababa na lang siya para agad maibalik ang gadget sa may-ari
  • Bumuhos ang papuri sa pasahero at taxi driver

Tunay ngang marami pa rin ang mga may magagandang loob at hindi mag-aatubiling ibalik kaagad ang mga bagay na nakita o napulot sa tunay na may-ari. Ganiyan ang kapuri-puring ginawa ng isang babaeng pasahero kamakailan, ang good deed na ito ay umani ng atensyon sa social media.

Image by Patricia Ellein via Facebook

Ayon kay Patricia Ellein, dakong alas-dose na ng hapon nang nasa harapan sila ng ng isang mall nang biglang sumuka ang kanyang kapatid dahil sa sobrang kabusugan kaya’t kaagad silang bumaba sa sinasakyang taxi. Ang hindi nila namalayan yamang natataranta na, ay naiwan ang cellphone.

“Napababa kami agad sa may taxi, hindi namin namalayan nailapag pala namin ‘yung cellphone kasi sobrang natataranta kami so agad-agad kaming naghanap ng mapapaloadan,” saad pa ni Patricia.

Nang tinawagan na nila ang cellphone, sinagot ito ng isang babae na siyang customer na noon ng sinakyang taxi. Hindi naman pinagkainteresan ito ng babae at kaagad na kinuha ang atensyon ng driver.

“Tapos ang sabi pa raw ng customer niya is baba na lang daw siya ng taxi para maibalik lang daw ‘yung cellphone namin. Sobrang bait ng customer na ‘yun, hindi man lang namin siya nakilala upang makapagpasalamat kami nang sobra at kay kuyang driver na ibinalik ‘yung cellphone namin.”

Nakatutuwa, anang netizen, na mayroong mabababit na tao na hindi mag-aatubiling ibalik ang mga bagay na hindi nila  pagmamay-ari.

Image by Patricia Ellein via Facebook

Marami naman ang pumuri sa kabutihang ito ng lady passenger at ng taxi driver. Komento ng isa, “God bless you kuya and customer!!! Si Lord na ang bahalang magbalik ng kabutihan n’yo.”

Mayroon namang nagsabi ng, “Marami ngayon ‘yan, honest na mga taxi driver.”

Image by Patricia Ellein via Facebook

Loading…