Device na kayang magkontrol ng toy robot gamit ang isipan, nalikha sa Japan

Screenshot mula sa NeU video
  • Isang device ang naimbento ng mga Japanese researchers na kayang pagalawin ang laruang robot gamit ang isipan
  • Ang device na naimbento ng mga NeU researchers ay tinatawag na XB-01 headset
  • Naisusuot ito na parang headband na mino-monitor at binabasa ang blood flow sa harap na bahagi ng brain
  • Naipadadala ng device na ito ang reading ng brain activity sa smartphone app na siyang magpapagalaw sa robot

Nakagawa ang mga Japanese researchers ng NeU, isang joint venture sa pagitan ng Tohoku University at Hitachi, ng isang device para makontrol ng isipan ng tao ang isang toy Gundam robot mula sa Bandai, ang largest toymaker sa Japan.

Screenshot mula sa NeU video

Ang prototype robot na ginamit ng mga researchers ay ang mobile suit Zaku na noong isang taon pa nabibili sa mga toy stores sa ilalim ng Zeonic Technics package ng Bandai. Napapagalaw ang Zaku sa pamamagitan ng manual programming gamit ang smartphone app.

Ang device na naimbento ng mga NeU researchers, na tinatawag na XB-01 headset, ay naisusuot na parang headband na mino-monitor at binabasa ang blood flow sa harap na bahagi ng brain. Naipadadala ng device na ito ang reading ng brain activity sa smartphone app na siyang magpapagalaw sa robot.

Ang bawat galaw ng Zaku robot ay pre-programmed at ang bawat brain activity na nababasa ng device ay may katumbas na galaw ng robot.

Ang prinsipyo ng imbensyon ay ibinase sa “Psycommu,” ang control mechanism sa “Gundam” anime kung saan ang isang human pilot ay kayang manipulahin ang kilos ng isang Gundam suit gamit ang kanyang isipan.

Screenshot mula sa Gundam

Marami nang Gundam fans ang nag-aabang sa kung kailan magiging available sa market ang mind-controlled robot, subalit sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung kailan ito ilalabas sa publiko.

Source :

YouTube, Inquirer

Loading…