DFA dumistansya sa 2 grupong nagpahayag ng suporta kay ex-PH ambassador to Brazil Marichu Mauro

Screenshot mula sa video ng Globo News
  • Dalawang grupo ang nagpahayag ng buong suporta kay ex-Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro
  • Hindi umano dapat husgahan si Mauro dahil lang sa isang insidente
  • Itinanggi ng DFA na alam nito ang tungkol sa dalawang grupo
  • Tiniyak naman ng DFA na ang aksyong gagawin sa insidente ay “severe to the fullest extent of the law”

Dalawang grupo ang nagpahayag ng suporta sa dating Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro na nahulicam na pinagbubuhatan ng kamay ang kanyang Pinay household helper sa loob ng diplomatic residence.

Imahe mula sa Philippine Embassy sa Brazil

Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) Career Officers Corps at ng Retired Ambassadors Association ang kanilang buong suporta kay Amb. Mauro kaugnay ng kontrobersyang kinasangkutan nito. Hindi umano dapat hinuhusgahan si Mauro dahil lang sa isang pangyayayari.

“We, the DFA’s Career Officer Corps and the Retired Ambassadors Association, hereby express full support to Ambassador Marichu Mauro who is being pilloried in the social and printed media over the unfortunate incident in Brasilia. That single incident should not define the character of Ambassador Mauro,” pahayag ng dalawang grupo.

Anila, natatangi ang tatlong dekadang service record ni Mauro sa pagsusulong sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers.

“She has a very distinguished service record that spans three decades in promoting the welfare of our migrant workers, which is one of the three pillars of our foreign policy,” pahayag pa ng mga grupo ng diplomats.

Sinabi naman ng DFA na hindi nito alam na may mga grupo palang tinatawag na DFA’s Career Officers Corps at Retired Ambassadors Association.

Imahe mula sa DFA

“The DFA is not aware of the existence of the so-called ‘Department of Foreign Affairs Career Officers Corps’ and the ‘Retired Ambassadors Association.’ The reported statement of such organizations on the case of the former Philippine Ambassador to Brazil does not, in any way, reflect the position of the Department nor the sentiment of its career corps,” saad ng DFA statement.

Tiniyak naman ni DFA Secretary Teddy Locsin, Jr. na bibigyan ng due process si Mauro at hihingin din nito ang panig ng Pinay helper.

Nangako si Sec. Locsin na ang aksyon sa insidente ay “severe to the fullest extent of the law.”

Imahe mula sa Twitter account ni Sec. Teddy Locsin, Jr.

Aniya, “incontestable” ang video ng mga ginawa ni Mauro sa Pinay helper.

“It is what it is. It shows her maltreating the maid,” mariing pahayag ng kalihim.

Loading…