Former boss to newly promoted call center agent: “Di ka naman magaling noon. Bisaya ka pa”

Image by Dianne Encinas I via Facebook
  • Pagbating natanggap ng newly-promoted call center agent sa dating boss, may halong pang-iinsulto
  • Former team leader: “Hindi ka naman magaling non e. Bisaya ka pa pero congrats pa din”
  • Pinayuhan si Dianne Encinas I na ‘wag magpakalugmok sa opinyon ng iba yamang mas maraming naniniwala sa kanya

Sadyang may pagkakaiba ang accent o pagbigkas ng mga salita ng mga mamamayan na nanggaling sa isang lugar kumpara sa iba sapagkat magkakaiba ang ating mother tongue languages at dito nasanay ang ating dila. Gayunpaman, huwag sana nating gamitin ito para hamakin ang iba yamang tayong lahat ay mga Filipino.

Image by Dianne Encinas I via Facebook

Umani ng atensyon sa social media kamakailan ang naging usapan ng isang newly-promoted call center agent at ng dati niyang team leader. Kasabay kasi ng pagbati ay tila may laman ng pangungutya ang mensahe. Ibinahagi ni Dianne Encinas I ang usapan pero hindi na pinangalanan ang dating superior.

“Na-promote ka pala? Hindi na ba bisaya ang accent mo?” na may tumatawang emoji ang mensahe ng dating kasamahan na sinagot naman ni Dianne ng “Opo TL.”

Sunod pang mensahe sa kanya, “Nice. Hindi ka naman magaling non e. Bisaya ka pa pero congrats pa din. A friendly advise dear. Galingan mo kasi may evaluation ‘yan every month.”

Sa kanyang post ay nasabi ng call center agent na nagpapasalamat pa rin siya sa pagbati ng boss pero napaiyak siya sapagkat hindi naman daw siya naging pabigat sa team nito noon at isa pa ito sa mga mentors na talagang hinahangaan niya.

Image by Dianne Encinas I via Facebook

Pinayuhan naman siya ng kanyang kasalukuyang team leader, si Reina Joyce, na kailangan nitong tanggapin na anuman ang gawin sa buhay ay may masasabi pa rin ang tao pero huwag siyang magpaka-lugmok sa opinyon ng isa dahil walang bisa ang isang opinyon sa maraming naniniwala sa kanya.

Payo pa ng kasamahan nilang si JR sa GC message nila, “Believe in Us, who believes in You. Hayaan mo na lang ‘yan Dianne. Mga taong ganyan, hindi dapat binibigyan ng attention. ‘Yan ‘yung mga taong nagkaroon lang ng mataas na position eh kala mo na kung sino na. Remember that in Responsibility comes Humility.”

Image by Dianne Encinas I via Facebook
Source :

Facebook

Loading…