Dianne Medina sinagot ang komento ng netizen sa kaniyang post pregnancy body

Imahe mula sa Instagram | Dianne Medina
  • Nalungkot ang aktres na si Dianne Medina sa komento ng isang netizen tungkol sa kaniyang post-pregnancy body
  • Agad naman siyang ipinagtanggol ng ilang netizen at kapwa mommy na nagsabing tigilan ang mom shaming
  • Paliwanag ni Dianne, mahirap magbawas ng timbang lalo na dahil breastfeeding mom siya

Ikinalungkot ng aktres na si Dianne Medina ang komento ng isang netizen tungkol sa kaniyang post-pregnancy body matapos niyang magbahagi ng larawan sa kaniyang Instagram account.

Imahe mula sa Instagram | Dianne Medina

Kamakailan lamang ay nag-post si Dianne ng larawan suot ang isang itim na gown matapos mag-host sa isang event.

“Ba’t ang taba?” komento rito ng isang social media user na agad namang sinagot ng ilang taga-suporta at kapwa mommy ni Dianne.”Hey? Are you a mom already? I wish you’re not. Stop mommy shaming! God bless your soul,” sabi rito ni Liezel P.

Nagpasalamat naman sa kaniya si Dianne. “Thank you. Hay. Nakalulungkot na hindi nila maintindihan na this is a post pregnancy body and it is hard to lose weight in an instant since I am also breastfeeding. Grabe, ‘no?”

Paalala muli ni Lizel kay Dianne, huwag nang pansinin ang mga basher dahil ang mas mahalaga naman ay malusog ang kaniyang baby.

Imahe mula sa Instagram | Dianne Medina

“Do not mind them, ate. What is more important is healthy si baby. I breastfed my baby for almost 27 months and he is so healthy and clingy to me,” pahayag niya.

Dagdag ng isa pang breastfeeding mom, ang kalusugan ng kanilang anak ay mas mahalaga kaysa vanity.

“Ms. Dianne Medina, ‘wag n’yo na lang pong pansinin. I totally get what you are trying to say. Mahirap talagang mag-reduce ng pregnancy weight if you are breastfeeding. Of course, mauuna naman po si baby bago ang sarili,” aniya.

September 10 ngayong taon nang isilang ni Dianne at baby boy nila ng aktor na si Rodjun Cruz.

Source :

Instagram

Loading…